
Hindi nakalimutan i-greet ng comedian na si Divine Tetay ang good friend at dating co-star sa Meant To Be na si Jak Roberto na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon, December 2.
Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Tetay kung gaano ka-sweet si Jak Roberto at hangad niya na sana ay matupad nito ang lahat ng kanyang wish.
Aniya, “Sa taong napaka sweet sa akin at unang nagpa-experience sa'kin ng P14k na tsinelas, happy happy birthday sayo Kuya Andoy! May our sweet Lord grant you all your wishes. Labyou Kuya @jakroberto”
Sa post naman ng birthday boy sa Instagram, taos-puso itong nagpasalamat sa lahat ng mga tao na nakaalala sa kanyang birthday.
Kaakibat ng kanyang post ang isang sexy photo na isang patunay na siya pa rin ang nag-iisang 'Pambansang Abs.'
“Cheers to another year of blessings! Thanks for all your greetings and wishes guys! I love you all.”
Samantala, malapit na muling magpatawa on TV si Divine Tetay, dahil mapapanood siya sa romcom series na Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
Related content:
Quarantine look ni Divine Tetay, pinagkagaluhan online
WATCH: Divine Tetay, nakaranas ng pambubugbog mula sa kanyang ex!