What's Hot

Rodjun at Rayver Cruz, na-challege sa sayawan at kantahan sa 'Alden's Reality'

By Marah Ruiz
Published December 5, 2020 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Recto says free trade deal with UAE to provide jobs for Pinoys
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun at Rayver Cruz


Mabusisi ang shoot para sa virtual reality concert na 'Alden's Reality' kaya lubos daw na na-challenge sina Rodjun at Rayver Cruz dito.

Kabilang ang Kapuso celebrity brothers na sina Rodjun at Rayver Cruz sa mga special guest ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa kanyang upcoming virtual reality concert na Alden's Reality.

Rodjun at Rayver Cruz


Mapapanood ang Alden's Reality ngayong December 8, ang ika-sampung anibersaryo ni Alden sa industriya ng showbiz.

Aminado ang dalawa na challenging ang pagshu-shoot para dito dahil isang special camera ang gamit. Lahat din ng kanilang galaw ang kinukunan sa bawat anggulong posible.

"VR (virtual reality) ito eh so iba 'yung mga shots na ginawa namin. Kahit na binibigay namin 'yung best namin, may mga iba't ibang shots. Sinasabi sa amin kung saan haharap, saang camera. Sa dance na 'to medyo iniba namin 'yung blocking. Maraming paghahanda talga para ma-perfect talaga 'yung prod," kuwento ni Rodjun.

Masaya naman si Rayver na makatrabaho at masuportahan ang kaibigan si Alden.

"Si Rodjun, good friends with Alden. Tapos ngayon, sobrang close kami ni Alden dahil sa AOS (All-Out Sundays), lagi kaming magkasama. Masaya! Masaya 'yung pakiramdam lalo na noong ginagawa namin 'yung prod na kulitan lang," aniya.

Bukod kina Rodjun at Rayver, bahagi din ng first-ever virtual reality concert sa bansa ang most-streamed band na December Avenue.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.