GMA Logo Super Tekla
What's Hot

Tekla, namigay ng pera at Noche Buena package matapos matanggap ang YouTube Silver Play Button

By Jansen Ramos
Published December 6, 2020 7:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At least 5,000 dead in Iran unrest, official says, as judiciary hints at executions
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Super Tekla


Ibinahagi ni Tekla ang kanyang success sa YouTube sa pamamagitan ng pagbibigay ng Php 500 at Noche Buena package sa mga kapus-palad.

Natanggap na ni Tekla ang kanyang Silver Play Button matapos umabot ng 100,000 subscribers ang kanyang YouTube channel.

Para i-celebrate ang kanyang online milestone, minabuti ni Tekla na ibahagi ang kanyang success sa mga kapus-palad ngayong nalalapit na Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagbibigay Noche Buena package at Php 500.

Ilan lamang sa mga nabigyan ng munting pamasko ni Tekla ang isang sidewalk vendor, basurero, at delivery rider na kanyang nakilala habang ginagalugad ang Quezon City.

Ani Tekla, "Every single point sa aking YouTube channel ay dapat nating i-cherish 'yan, dapat nating i-celebrate bilang pagpapasalamat at pagbibigay-pugay para sa inyong walang sawang pag-like, pag-share, at pag-subscribe."

Samantala, nais din daw mag-donate ni Tekla sa simbahan kapag nakuha na niya ang kanyang unang sahod sa YouTube.

Nangako naman si Tekla sa kanyang sarili na hindi siya titigil sa pagtulong sa kanyang kapwa kasabay ng kanyang pag-sikat sa YouTube.

Pahayag niya, "Sa lahat po ng magsu-subscribe sa aking channel, I will make charitable vlogs. So more of less, dito ako magpapatalsik ng biyaya sa aking YouTube channel."

Sa isang parte, sabi pa niya, "Lalo pa akong magpupursige para hainan kayo ng good vibes at nakakatawang mga vlogs. Meron din kayong mapupulot na aral sa ating vlogs and, of course, sharing."

Panoorin ang buong vlog dito:


Sa ngayon, may mahigit 700,00 subscribers na si Tekla sa YouTube.