
Nasa ika-apat na linggo na ang Christmas Cartoon Festival!
Sa pagpapatuloy nito, hatid namin ang tatlong bagong kuwento ng magpapaalala sa atin ng tunay na kahulugan ng Pasko.
Sa December 14, abangan ang unang Pasko ni Wild sa The Smurfs: 'Tis the Season to be Smurfy.
Nawala sa gubat si Wild noong bagong panganak pa lang siya kaya ito ang magiging unang Pasko niya kasama ang mga kapwa Smurf. Tulung-tulong naman ang buong Smurf Village sa pagpapaliwanag sa kanya ng iba't ibang tradisyon tuwing Pasko.
Three-part special naman ang mapapanood sa December 15, 16 at 17, tampok ang He-man and She-ra: A Christmas Special.
Magka-crash land si Orko sa Earth dahil sa isang aksidente. Makikilala niya dito ang mga batang si Miguel at Alisha na magpapatikim sa kanya ng padiriwang ng Pasko.
Susubukan naman nina He-Man at She-ra na ibalik si Orko sa kanilang mundo pero kailangan nila ng isang makapangyarihang kristal para magawa ito.
Sa December 18 naman, magbabalik ang snowman na si Frosty sa Frosty Returns.
Sa muli niyang pagbisita sa Beansboro Elementary School, malalaman niyang kinagigiliwan ng buong bayan ang "Summer Wheeze," isang spray na agad nakakapagpatunaw ng snow. Ligtas pa kaya si Frosty dito?
Balikan ang tunay na kahulugan ng Pasko sa animated specials na hatid ng ika-apat na linggo ng Christmas Cartoon Festival Presents. Abangan ang mga ito, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. sa GMA-7.