GMA Logo Glaiza De Castro and Marc Abaya in Wagas
What's Hot

Pag-iibigan nina Diego at Gabriela Silang, tampok sa 'Wagas' ngayong December 13

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 11, 2020 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Clippers post biggest winning margin of season vs. Kings
Dingdong Dantes looks back on 11 years of marriage to Marian Rivera
#PlayItBack: The GMA Playlist Year-ender Special

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro and Marc Abaya in Wagas


Balikan kung paano nagsimula ang pag-iibigan ng mga bayaning Pilipino na sina Diego at Gabriela Silang sa 'Wagas' ngayong December 13 pagkatapos ng 'All-Out Sundays.'

Karamihan ng mga Pilipino ay kilala ang bayaning mag-asawa mula Ilocos na sina Diego at Gabriela Silang kung paano sila lumaban sa mga Español. Ang hindi alam ng karamihan ay may makulay na istorya sa likod ng pag-iibigan nilang dalawa.

Marc Abaya and Glaiza De Castro in Wagas

Noong 2015, binigyang buhay nina Marc Abaya at Glaiza de Castro sina Diego at Gabriella Silang sa 'Wagas.'

Unang nagpakasal si Gabriela sa isang mayamang negosyante ngunit matapos ang tatlong taon, naging biyuda siya nang mamatay ito. Si Diego naman ay tila nagkaroon ng ikalawang pagkakataong mabuhay nang makaligtas siya sa lumubog na barko.

Unang nagtagpo sina Diego at Gabriela sa simbahan kung saan na “love at first sight” silang dalawa. Kahit na ganito, limang taong sinuyo at niligawan ni Diego si Gabriella bago niya nakuha ang matamis na oo ng dalaga.

Nasa ilalim pa ng mga Kastila noon ang Pilipinas pero malayang-malaya sina Diego at Gabriela na nagmamahalan. Ngutit dahil sa tumitinding pang-aapi ng mga Español sa mga malalapit nilang kaibigan, magkasamang lumaban at sumulong sina Diego at Gabriela upang ipagtanggol ang karapatan ng kanilang mga kababayan sa Ilocos.

Noong 2015, ginampanan nina Glaiza De Castro at Marc Abaya sina Diego at Gabriela Silang sa kauna-unahang historical love story ng Wagas.

Muling panoorin kung paano nagsimula ang pagmamahalan ng bayaning mag-asawang sina Diego at Gabriela Silang sa unang bahagi ng Wagas: The Diego and Gabriella Silang love story ngayong Linggo, December 13, pagkatapos ng All-Out Sundays.