
May hatid na good vibes ang birthday post ng Bubble Gang comedian na si Betong Sumaya para sa tinatawag niyang si “Givie” na si Lovely Abella na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Biyernes, December 11.
Sa Instagram post ng “amazing” comedian, i-pinost nito ang nakakatawang video ni Lovely nang sila ay na nasa Saudi Arabia at nagpanggap siya bilang pulubi sa isang mall.
Kuwento ni Betong, “Amazing Birthday sa isa sa mga nilalang na mahal na mahal ko "Givie" sana maappreciate mo itong video na ito noong namamalimos ka sa isang mall sa Saudi.
“Naisahan mo si Daddy Sammy pero 'di mo ko nakalimutang hatian hehehe, ganun si "Givie" laging mapagbigay sa kapwa kahit minsan gipit din siya.
“May all your dreams for your family, friends and loved ones do come true syempre pati mga pangarap mo Lab yu.”
Natawa at naantig naman ang sexy comedienne sa ginawang pagbati ni Betong sa kanya sa kanyang special day.
Heto ang pasilip sa ilan sa sexiest photos ng ating birthday Kababol girl na si Lovely Abella sa gallery below!
At kung trip n'yo tumawa every Friday night, samahan sina Betong Sumaya at Lovely Abella sa longest-running gag show na Bubble Gang pagkatapos ng GMA Telebabad!
Related content:
TRIVIA: Bakit daddy ang tawag ni Lovely Abella kay Dabarkad Jose Manalo?
IN PHOTOS: Valeen Montenegro, Chariz Solomon and Lovely Abella are #FitnessGoals