
Kasama nina Lovi Poe at Benjamin Alves ang ilan pang nakakakilig at nakakatawang tandem na dapat abangan sa upcoming Kapuso rom-com series na Owe My Love.
Nitong November ay nagsimula na ang lock-in taping ng Owe My Love at unti-unti nang ipinakilala ang characters ng naturang Kapuso show.
Riot sa saya at kilig! Presenting the cast of #OweMyLove! ❤
Posted by Owe My Love on Thursday, December 3, 2020
Gaganap bilang sina Pacencia “Sensen" Guipit at Doc Migs Alcancia sina Lovi at Benjamin na bumubuo ng tambalang #SenMig.
Posted by Owe My Love on Wednesday, December 2, 2020
Maliban sa dalawang hot Kapuso stars, may ilan pang tandem na dapat ding abangan sa Kapuso rom-com series.
Kabilang dito ang team #Jolai na binubuo nina Jon Gutierrez o King Badger at Jelai Andres. Si Jelai ay gaganap bilang si Generosa o Jenny Rose, kapatid ni Sensen, habang si Jon naman ay gaganap bilang si Eddie. Together, magpapakilig ang kanilang tambalan bilang #JeDdie.
Posted by Owe My Love on Wednesday, December 2, 2020
Mapapanood din sa programa sina Kiray Celis at Buboy Villar. Bibigyang-buhay ni Kiray ang character ni Everlyn o Evs habang si Buboy naman ang isa pang kapatid ni Sensen na si Agwapito o Gwaps na bubuo sa tambalang #EvAps.
Posted by Owe My Love on Wednesday, December 2, 2020
Tila naligaw man at naiiba sa naunang tatlong pares, siguradong kaabang-abang din ang tambalan nina Divine Tetay at Terry Gian. Sila ang bumubuo ng utang-in-tandem na sina Judith at Juna.
Posted by Owe My Love on Wednesday, December 2, 2020
Ano kaya ang magiging papel ng tandems na ito sa kapalaran at pag-iibigan nina Sensen at Doc Migs?
Malapit niyo nang malaman sa Owe My Love na mapapanood sa 2021!