
May bagong pelikula si Janine Gutierrez kung saan makakatambal niya si JC Santos.
Dito at Doon ang pamagat ng pelikula na kanilang pagbibidahan na mula sa direksyon ni JP Habac at sa produksyon ng TBA Studios.
Walang pang detalye kung anong klaseng role ang gagampanan nina Janine at JC pero base sa Instagram post ng Kapuso actress, ang Dito at Doon ay hango sa buhay quarantine ng dalawang indibwal.
Ipinasilip ni Janine sa Twitter ang behind-the-scenes photo ng kanyang upcoming movie kung saan makikita siyang nakangiti habang naka-peace sign katabi si JC.
Saya ka ghorl?? 😂🤍🎬 @tbastudios @jphabac pic.twitter.com/HF6VQFlrGn
-- 🌺JANINE (@janinegutierrez) December 8, 2020
Ang Dito at Doon ay mula sa panulat nina Alex Gonzales at Kristin Barrameda.
Samantala, narito ang iba pang Kapuso-Kapamilya on-screen team ups na minahal at inaabangan ng mga manonood.