What's Hot

Jak Roberto, nagbalik-tanaw sa kaniyang biggest break bilang isang Kapuso

By Felix Ilaya
Published December 14, 2020 6:47 PM PHT
Updated December 14, 2020 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Sa mahigit six years ni Jak Roberto bilang isang Kapuso, ano kaya ang kaniyang itinuturing na biggest artista break? Alamin 'yan, dito.

Bumisita ang Pambansang Abs na si Jak Roberto sa GMA Network Center last Friday, December 11, upang pirmahan ang renewal ng kaniyang management contract sa GMA Artist Center.

Isang post na ibinahagi ni gmanetwork (@gmanetwork)

Dito, nakapanayam ng GMA Network ang aktor at online content creator para sa isang exclusive Kapuso Showbiz News interview upang balikan ang kaniyang experience bilang isang Kapuso.

"Sobrang thankful, since day one, na binigyan ako ng chance na makapasok ng GMA, mabigyan ng exposure sa GMA, and makilala bilang si Jak Roberto ngayon.

"Nakaka-proud na maging Kapuso, na nasa isang network ka na nagbibigay ng saya sa mga Pilipino at alam nating tumutulong sa panahon ng pandemya at sakuna," ani Jak.

Kinuwento rin ni Jak kung ano ang itinuturing niyang big break sa GMA sa loob ng mahigit anim na taon niya bilang isang Kapuso.

"Pinaka tumatak talaga sa 'kin, alam mo 'yung iba pa rin 'yung first big break mo 'eh.

"Ang kino-consider ko na unang big break ko is 'yung maging isa ako sa mga leading men ni Barbie (Forteza) sa Meant To Be kasi 'yun talaga 'yung parang official na first time kong nailagay sa billboard ng GMA, doon sa may harapan.

"'Pag dumadaan ako doon tapos 'pag kumakain ako, nakikita ko 'yung billboard, sabi ko 'Kailan kaya? Kailan kaya 'yung may sarili akong show sa primetime, 'yung mukha ko nasa malaking billboard?'

"So 'nung nangyari 'yon 'nung Meant To Be, so parang bago mag-sink in talaga sa 'kin 'yon, nakailang daan ata ako sa kalsada na kita 'yung billboard namin para talagang, grabe sobrang thankful ako.

"'Yun 'yung kino-consider ko na big break plus bonus pa na nag-rate talaga at nagustuhan ng mga tao," kuwento ni Jak.

Sa paparating na bagong taon, nangako rin si Jak na marami tayong aabangan mula sa kaniya at sa GMA.

Aniya, "Ngayong 2021, maraming plano 'yung GMA, so far ayaw muna nila pasabi kasi mahirap kung ma-preempt or maudlot.

"Pero excited ako sa lahat ng plano sa 'kin ng GMA lalo na ngayong 2021. May mga pagbabago man, pero mas kinukuha ko 'yung positive side sa nangyayari ngayon.

"Maraming natutunan ang production kung paano pabilisin pa lalo 'yung trabaho. So ang medyo conflict nga lang kasi ngayon is 'yung lock-in dahil 'pag nasa set ka 'di ba, 'di ka muna makakauwi for two months or three months pinakamatagal.

"Pag kasi nasa trabaho, ramdam mong trabaho 'yan 'eh, iba pa rin 'yung nasa bahay ka 'eh. So talagang literal na magwo-work for three months kahit na may mga pahinga kasi 'di ka nakakauwi, 'di ba?

"So 'yun lang naman 'yung challenge, natatapos naman 'yung production base kay Sanya (Lopez), tinanong ko, 'Kumusta?' mabilis naman daw.

"Na-excite naman ako, basta lock-in taping, game tayo diyan."

Nagbigay rin si Jak ng update tungkol sa kapatid nitong si Sanya Lopez na kasalukuyang naka-lock-in taping para sa upcoming serye nito na First Yaya.

"Infairness naman, napa-proud ako sa kaniya. Matapang kasi 'yan 'eh, mas confident siya mag-taping kaysa sa 'kin. Ako kasi ngayong taon, 'di muna ako masyadong lumalabas and nagsabi ako na baka 'di muna ako mag-taping kasi nga nakaka-praning 'eh. 'Di pa ako kumportable sa set.

"Pero by January, sabi ko 'Baka it's about time na mag-adapt na talaga tayo.' Nung una, nakapag-adapt na naman tayo pero alam mo 'yung gusto ko talaga na ma-secure na mababa na 'yung kaso ng COVID.

"Maganda naman 'yung mga lumalabas na balita ngayon, mayroon na ring nababalitang mga vaccine. So tara, next year, roll na ulit tayo," wika niya.