Showbiz News

'Boys Over Flowers,' unang pasabog ng GMA Heart of Asia sa 2021

By Dianara Alegre

Sa pagbubukas ng Bagong Taon, ihahandog ng GMA Heart of Asia ang isa sa mga classic at timeless South Korean drama na Boys Over Flowers na mapapanood simula sa January 4.

Ito ay pinagbibidahan nina South Korean actors Lee Min-ho, Kim Hyun-Joong, Kim Bum, at Kim Joon (F4), at Ku Hye-sun.

Ang Boys Over Flowers ay tungkol sa isang working-class girl na si Geum Jan-di (Ku Hye Sun), na nakadaupang-palad ang grupo ng apat na pinakamayayaman at pinakasikat na high school students--sina Gu Jun-pyo (Lee Min-ho), Yoon Ji-hu (Kim Hyung Joong), So Yi-jung (Kim Bum) and Song Woo-Bin (Kim Joon)--o mas kilala sa tawag na F4, nang suwerteng makapasok siya sa elite high school na pinapasukan ng mga ito.

Dahil nagkalakas siya ng loob na kumprontahin ang ginagawang pambu-bully ng F4, si Jan-di ang magiging target ng kanilang pranks at pananakot.

Pero paano kung dahil sa kanyang katapangan at kakaibang charm ay mapalambot ni Jan-di ang puso ng leader ng grupo na si Gu Jun-pyo? Makuha kaya ng binata ang gusto nito gaya ng kanyang nakasanayan?

Abangan ang isa sa mga pinakabagong hatid ng GMA Heart of Asia sa 2021, ang romantic-comedy series na Boys Over Flowers, simula January 4, Lunes hanggang Biyernes 8:45 p.m. - 9:15 p.m. pagkatapos ng Where Stars Land sa GMA News TV.