What's Hot

Ang mga Munting Heredera

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 7, 2020 12:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Kilalanin ang tatlong batang bida na inyong mamahalin gabi-gabi sa 'Munting Heredera'.
Kilalanin ang tatlong batang bida na inyong mamahalin gabi-gabi sa 'Munting Heredera'. Text by Karen de Castro. Photo by Joel Adanza. stars Tatlong bagong mga batang bida ang makikilala ng mga manonood sa primetime family drama na Munting Heredera. Sina Mona Louise Rey, Kyle Danielle Ocampo at Barbara Miguel ang gaganap sa roles ng tatlong batang ang kapalaran ay pinaglaruan at pinagtagpo-tagpo ng panahon at ng pagkakataon. At sa pag-usad ng kuwento ng Munting Heredera ay mamahalin sila ng mga manonood bilang sina Jennifer, Michelle, at Calilla. Excited na ba sila sa kanilang bagong show? "Opo!" sabay-sabay na sagot nina Mona, Kyle at Barbara. Hindi ito ang unang beses na lumabas ang tatlong bata sa telebisyon. Kabilang sina Mona at Barbara sa mga guest sa Jillian: Namamasko Po! Samantala, ito naman ang unang project sa Kapuso Network ni Kyle. Paano nga ba silang naging kasama sa cast ng Munting Heredera? "Nag-audition po kami," kuwento ni Mona. "Ako po, pinaiyak po ako. Tapos kami po yung mga napili ni Direk." Handa na ba sina Mona at Kyle sa gagawin nilang pag-iyak at sa kanilang pagka-api sa show? "Opo!" sagot nilang dalawa. Dagdag pa ni Mona, "Dati po nag-iisip ako ng mga bagay na nakakalungkot. Pero ngayon po wala na po akong iniisip, umiiyak lang po ako." Samantala, dahil kontrabida ang role ni Barbara dito, hindi ba siya natatakot na kainisan siya ng mga manonood? "Hindi po, kasi acting lang naman po yun, hindi naman po ako bad sa totoog buhay," she says. "Pero natatakot po ako baka kurutin po nila ako kapag nainis sila tapos nakita nila ako." Ano naman ang pakiramdam nila na kasama ang mga magagaling na aktor at aktres sa show? "Masaya po kami kasi kasama po namin sina Ate Camille [Prats] at Kuya Mark [Anthony Fernandez]." Inamin naman ng isa sa kanila na iniidolo niya ang isa sa kanilang mga castmates sa Munting Heredera. "Idol ko po si Ate Katrina [Halili]", pag-amin ni Barbara. "Gusto ko pong maging magaling na kontrabida." Abangan sina Mona, Kyle, at Barbara sa Munting Heredera weeknights on GMA Telebabad. Pag-usapan ang Munting Heredera sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!