
Nagulat ang marami ng pumutok ang balita na arestado ang dating Hasht5 member na si Marlou Arizala o mas kilala bilang Xander Ford, Martes ng gabi, December 22.
Ayon sa report ng Inquirer, inihain ang arrest warrant kay Xander sa isang restaurant sa Pasay na inisyu ng Manila Regional Trial Court.
Ito ay kaugnay ng complaint na isinampa ng kanyang ex-girlfriend laban sa social media personality na RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Sa ulat naman ng GMA News Online, nakakulong si Xander Ford sa isang presinto sa Tondo, Manila.
Sa parehong ulat, nagsabi ang kanyang talent management na Star Image Artist Management na handa silang tulungan ito kahit wala na ito sa kanilang poder at hindi nakikipag-ugnayan sa kanila.
Nagbigay naman ng pahayag si Xander Ford nang makapanayam ng GMA News kung may mensahe ito sa kanyang ex-girlfriend na nagpakulong sa kanya.
Saad niya, “Sana mapatawad mo 'ko. Sana maawa ka sa 'kin kasi magpa Pasko, tapos ganito mangyayari sa pamilya ko. Wala naman akong ginawang masama sa 'yo.”
Sinagot din niya ang alegasyon ng physical abuse at sexual assault na complaint ng kanyang dating karelasyon.
“Parehas po kaming nasaktan sa mga nangyari po sa 'ming dalawa. Pero 'di ko po talaga siya na-pisikal po. Mahal ko po 'yon.”
Xander Ford resurfaces after being reported missing by talent agency
WATCH: Xander Ford, nagpaliwanag kung bakit nagparetoke