GMA Logo KMJS recap
What's Hot

KMJS: Beki sa Negros Occidental, buntis daw?

By Dianara Alegre
Published December 23, 2020 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

KMJS recap


Posible kayang si “Chris," na umano'y buntis, ay isang intersex o ipinanganak na ang reproductive or sexual anatomy ay hindi naaangkop sa tipikal na sukatan ng pagkalalaki o pagkababae?

Nagulantang ang mga residente sa Kabankalan, Negros Occidental, nang mabalitaang nagdadalang-tao umano si Kris, hindi niya tunay na pangalan, na pansamantalang naninirahan doon, dahil homosekswal at hindi babae si Chris.

“Ano ba ako? Tao ba ako? Lalo po akong kinakabahan at naguguluhan kasi kung nagiging buntis po ako, paano 'to lumabas,” ani Chris.

Sapantaha nila, nasa anim na buwan na raw ang tiyan ni Chris ngayon kaya mas lalong nag-iingat na siya sa kanyang mga ikinikilos at hindi na rin naglalalabas ng bahay.

Bukod dito, gaya ng mga babaeng nagbubuntis, mayroon din daw siyang pinaglilihian.

Nagsimula raw ang pangyayaring ito noong Hunyo.

“Nag-drive ako ng motor parang may isang bilog na kumabog-kabog sa may puson ko. Tapos parang tumitibok-tibok po na nangunguryente siya,” kwento ni Chris.

Habang tumatagal ay unti-unti ring lumaki ang tiyan niya.

“Lumapit ako sa mga OB-Gyne rito tapos hindi naman nila ako pinansin dahil lalaki raw. Niresetahan po ako ng gamot. After a week, wala naman pong nangyari sa tiyan ko,” aniya pa.

Hindi nahinto ang paglobo ng tiyan ni Kris kaya lumapit na siya sa isang kumadrona na nagkumpirma sa kanyang nagdadalantao nga siya.

“Natutuwa ako noong sinabi ng kumadrona na bata po 'yung laman.

"Lahat naman po tayo nangangailangan ng makakasama. May mag-aalaga po sa atin 'pag tumanda.

“Babae po talaga ang isipan po at saka puso [ko.] 'Yung iba naniniwala, 'yung iba naman tumatawa lang.

"Sa totoo, nasasaktan po ako nu'ng binu-bully nila ako tapos parang wala silang tiwala. 'Di din nila alam na muntik na nilang sirain ang buhay ko,” lahad ni Chris.

Dahil wala siyang kamag-anak sa Kabankalan, ang naging katuwang ay ang kaibigan at kaibigan na si Lily, hindi niya tunay na pangalan.

“Malakas 'yung kutob ko po na buntis po siya. Napansin ko po siya na 'pag mayroon niyang gustong makain, kinakain niya. May time na parang nagsusuka,” ani Lily.

“'Pag naglilihi ako parang ganu'n din. Paano nabubuntis 'yung bakla?

"Pero sabi ko naman walang imposible kay Jesus kung talagang mangyayari sa kanya ang ganoon. Baka himala,” dagdag pa niya.

Ang ama ng umano'y dinadala ni Chris ay ang anak umano ni Lily.

“Mahirap po siyang tanggapin dahil hindi po siya talagang babae pero may damdamin din po siyang tulad namin na babae kaya umiiral sa akin 'yung awa,” sabi pa niya.

Dagdag pa niya, ginusto raw niyang sumbatan ang anak niya dahil sa nangyari dahil nag-aaral pa ito.

Ipinagtapat din ni Chris ang posibleng dahilan kung bakit umano siya nagbubuntis, nireregla umano siya.

“Nu'ng 2014, dumating 'yung regla ko. Nagulat na lang po ako parang may tumalsik dugo na buhay.

"Every 2 sa buwan mawala po sa 5. Nu'ng lumaki po ang tyan ko, nawala na po. Hindi na po ako dinudugo,” pag-amin niya.

Para ma-monitor ang umano'y nasa tiyan ni Chris, nagpa prenatal checkup siya sa kanilang health center.

Posible kayang si Chris ay isang intersex o ipinanganak na ang reproductive or sexual anatomy ay hindi naaangkop sa tipikal na sukatan ng pagkalalaki o pagkababae?

Please embed: 3
IAT: “Chris”

Alamin ang tunay na kondisyon ni Chris sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

KMJS: "Ms. Everything," natagpuan na ang kanyang "Everything"

KMJS: Kumusta na ang viral palaboy ng Cebu na si Berta?

Balikan ang mga istoryang pumatok at pinag-usapan sa KMJS ngayong 2020: