
May pandemic man, tuluy-tuloy pa rin ang mga Kapuso stars sa pagbibigay tuwa at saya sa ating mga Kapuso.
Nitong bagong taon, nagsama-sama ang pinakamagagaling na Kapuso performers para sa taunang GMA New Year countdown special na Kapuso Countdown to 2021.
Isa sa mga Kapuso performers na ating napanood sa naturang New Year countdown ay ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Para kay Alden, tradisyon na kung maituturing ang kaniyang pagsali sa countdown special sapagka't naniniwala siyang magtutuluy-tuloy ang kaniyang blessings kapag sinalubong niya ang bagong taon na nagtatrabaho.
"I always start my year with the GMA New Year countdown kasi feeling ko, lahat ng nag-New-New Year countdown, nabe-bless ang taon, nabe-bless ang career, nabe-bless ang buhay in the years to come," ani Alden.
Maliban kay Alden, napanood rin sa Kapuso Countdown To 2021 sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Ken Chan, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at Mark Herras, at Asia's Nightingale Lani Misalucha.
Nagsamasama rin ang tatlong The Clash Grand Champions na sina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin.
Bilang pagbibigay pugay sa tradisyon ng GMA na salubungin ang bagong taon sa SM Mall of Asia, bumisita rito ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya.
Sa huli ay nag-iwan ng mensahe para sa mga Pilipino ang GMA Network chairman and CEO na si Atty. Felipe Gozon.
Aniya, "Once again, as in other tragedies that have befallen our nation, we have proven that the Filipino spirit is not easily broken.
"Suffering makes us stronger as human beings. Staying together as family in the face of adversity, helping each other, and our will to survive had kept us alive."
Manigong bagong, mga Kapuso!