What's Hot

'Boys Over Flowers,' mapapanood na sa GMA News TV!

By Dianara Alegre
Published January 4, 2021 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Lee Min-ho bilang si Gu Jun-pyo, Ku Hye Sun bilang si Geum Jan-di, at Kim Hyung Joong bilang si Yoon Ji-hu


Nandito na ang mga heartthrob ng campus! Mapapanood na ang 'Boys Over Flowers' sa GMA News TV simula ngayong gabi, January 4, 8:45 p.m.

Mapanood ang award-winning South Korean series na Boys Over Flowers sa GMA News TV, simula ngayong gabi, January 4.

Tampok sa hit romantic-comedy series sina Ku Hye Sun, Lee Min-ho, Kim Hyung Joong, Kim Bum at Kim Joon.

Ang Boys Over Flowers ay kuwento ng isang charming at palaban na high school student na si Geum Jan-di (Ku Hye Sun) na nakadaupang-palad ang apat sa pinakamayayamang estudyante ng isang popular at prestihiyosong eskwelahan, sina Gu Jun-pyo (Lee Min-ho), Yoon Ji-hu (Kim Hyung Joong), So Yi-jung (Kim Bum) and Song Woo-Bin (Kim Joon) o mas kilala sa tawag na F4.

Si Jan-di ay mula sa payak na pamilyang nagmamay-ari ng dry cleaning store at biglang magbabago ang takbo ng simple niyang buhay nang makapasok siya sa prestihiyosong Shin Hwa High School, kung saan nag-aaral ang F4.

Lee Min-ho bilang si Gu Jun-pyo, Kim Hyung Joong bilang si Yoon Ji-hu, Kim Bum bilang si So Yi-jung, Kim Joon bilang si So Yi-jung, Kim Joon bilang si Song Woo-Bin at Ku Hye Sun bilang si Geum Jan-di.

Sa kasamaang-palad ay na-offend niya ang leader ng F4 na si Gu Jun-pyo. Dahil dito, siya ang magiging tampulan ng iba't ibang pranks at pambu-bully ng grupo.

Pero dahil likas na palaban, hindi nagpatinag si Geum Jan-di sa pagpapahirap ng grupo sa kanya at mas lalo pa niyang tinatagan ang loob para kalabanin sila, lalo na si Jun-pyo.

Dahil kakaiba si Jan-di sa lahat ng babaeng nakilala niya, kinakitaan ni Jun-pyo ang dalaga ng charm na naging susi para lumalim ang pagtingin niya rito.

Hindi na lamang subject niya ng pambu-bully si Jan-di. Ginagawa niya na ang iba't ibang pranks sa dalaga para mapansin siya nito.

Umabot sa puntong si Jan-di na lamang ang lagi niyang naiisip hanggang sa tuluyan na siyang napamahal dito. Lingid sa kanyang kaalaman, nagkakagusto na rin kay Jan-di ang bestfriend niya at miyembro rin ng F4 na si Yoon Ji-hu.

Ku Hye Sun bilang si Geum Jan di

Ku Hye Sun bilang si Geum Jan-di

Bukod dito, kaibigan ang turing at tingin ni Jan-di kay Ji-hu dahil tanging ito lamang ang trumato sa kanya nang mabuti kahit sa maliliit na paraan.

Dahil sa agaw-pansing kabutihan at positibong pananaw sa buhay ni Jan-di, mahuhulog din ang loob ni Ji-hu sa kanya.

Pero sino kina Jun-pyo at Ji-hu ang makakapapatibok sa puso ni Jan-di?

 Lee Min ho bilang si Gu Jun pyo Ku Hye Sun bilang si Geum Jan di at Kim Hyung Joong bilang si Yoon Ji hu

 Lee Min ho bilang si Gu Jun pyo Ku Hye Sun bilang si Geum Jan di at Kim Hyung Joong bilang si Yoon Ji hu

Lee Min-ho bilang si Gu Jun-pyo, Ku Hye Sun bilang si Geum Jan-di, at Kim Hyung Joong bilang si Yoon Ji-hu

Abangan ang kanilang kuwento sa Boys Over Flowers, ang unang pasabog ng GMA Heart of Asia ngayong 2021.

Abangan ang Boys Over Flowers, simula January 4, Lunes hanggang Biyernes, 8:45 p.m. - 9:15 p.m. pagkatapos ng Where Stars Land sa GMA News TV.

Kilalanin ang cast ng Boys Over Flowers sa gallery na ito: