
"A better and much happier 2021 for all of us."
Ito ang hiling ni Asia's Nightingale Lani Misalucha para sa bagong taon.
Sa kanyang guest appearance sa Sunday musical show na All-Out Sundays kahapon, January 3, inilahad ni Lani ang kanyang hiling, hindi lamang para sa sarili kundi sa pangkalahatan.
Aniya, "Naku, e, siguro naman lahat tayo ay nakaranas ng misfortunes o kaya trial nga, kumbaga.
"Siguro I'm looking forward to, of course, a better 2021 for all of us. You know, maaaring nakaranas tayo ng health issues, medical, lahat-lahat, o financial, and even death in the family or sa friends natin.
"So, sana mas brighter itong tatahakin natin na bagong taon na 'to.
"Para sa ating lahat, ang wish ko lang ay magandang pangangatawan; definitely, good health for all of us; and sana pumasok pa ang magandang pinansyal sa atin mga bahay, sa ating mga bulsa, para sa ating lahat.
"Sana marami pa tayong magandang trabaho na gagawin sa taon na ito.
"At sana, unti-unti nang ma-revive ang lahat-lahat ng business diyan and of course, sa ating sitwasyon, sa ating entertainment business."
Samantala, sa maiksing kwentuhan niya kasama ang hosts na sina Mark Bautista at Julie Anne San Jose, nagbigay ng update ang The Clash judge tungkol sa kanyang kalagayan.
Matatandaan na kamakailan ay inamin ni Lani na nagkaroon siya at ang kanyang asawa ng bacterial meningitis, na dahilan ng biglaang pagkawala niya sa singing competition na The Clash.
Una ay nagpasalamat ang batikang singer sa lahat ng taong sumuporta at nagdasal para sa kaligtasan nilang mag-asawa.
Ani Lani, "Unang-una sa lahat, maraming salamat sa mga nagsuporta sa akin, lalung-lalo na ang aking mga fans, nandiyan sila lagi, they always check up on me.
"Marami akong kaibigan diyan na nagtatanong kung ano na ang nangyari sa amin, kung kumusta na ba kami.
"Maraming-maraming salamat po sa mga nagdasal para sa amin para ma-complete na nga talaga ang aming healing."
Kasunod nito, inamin ni Lani na hindi pa siya tuluyang gumagaling.
Aniya, "Ngayon po, sa sitwasyon ko ngayon, dito ko na rin sasabihin, may konting progress. But bingi pa rin po talaga ako, honestlly, itong right ear ko, hindi pa rin po talaga nakakarinig.
"At saka konting movement ng head ko at saka kapag naglalakad or whatever o mayroon akong activity na ginagawa, talagang matindi po talaga yung hilo."
Gayunman, umaasa si Lani na tuluyan nang gumaling ang kanyang karamdaman.
"So sana, eventually, mawala na ito at talagang completely kami ay pagalingin na ng Panginoong Diyos," pagtatapos niya.
Panoorin ang kabuuang video rito:
Samantala, narito ang ilang pang celebrities na nakararanas ng rare medical conditions: