What's Hot

Claire Dela Fuente, nagpakita ng suporta sa 3 pinalayang suspek sa Christine Dacera case

By Dianara Alegre
Published January 7, 2021 11:32 AM PHT
Updated January 7, 2021 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Claire dela Fuente


"Kung may fighting chance sila, may fighting chance ang anak ko, di ba?" pahayag ni OPM singer na si Claire dela Fuente, ina ng isa sa mga pinaghihinalaan sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Isa ang veteran singer na si Claire Dela Fuente sa mga sumalubong sa tatlong pinaghihinalaan sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Pinakawalan ng pulisya sina sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili dahil sa kakulangan ng ebidensiyang may kinalaman sila sa pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na si Christine.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil para sa 24 Oras, bagamat hindi kabilang sa mga nai-detain na personalidad ang anak niya si Gregorio Angelo Rafael De Guzman, isa rin sa mga pinaghihinalaan sa kaso ni Christine ang anak ni Claire.

Nagpunta si Claire sa Makati City police station para ipakita ang simpatya niya sa mga ito.

Sa ulat naman ni Jamie Santos para sa Saksi, sinabi ni Claire, "Masaya ako for them. Siyempre, kung may fighting chance sila, may fighting chance ang anak ko, di ba?

Patas na paghusga ang hiling ni Claire at ng anak niyang si Gregorio.

Nang makapanayam ng 24 Oras nitong Martes, January 5, mariin niyang itinanggi ang mga paratang na dawit siya sa pagkamatay nito.

“Absurd po. Paano ba naging rape? Bakla po ako. Never po akong nakipagtalik sa babae ever in my life. Hindi ako natu-turn on ng babae,” aniya.

Iginiit din niyang hindi niya iniwan si Christine sa hotel nang makita niya itong walang malay sa bathtub. Aniya pa, sinubukan niyang isalba ang buhay ang biktima.

“Nando'n po kami. Hindi namin iniwan si Tin. Until the end, hindi namin iniwan si Tin. Kaya ang sakit ng mga sinasabi nila. Hindi nila alam ang nangyari. Tumingin sila sa CCTV nando'n kami, sa police station, sa ospital, sa hotel,” aniya.

Gregorio Angelo Rafael De Guzman

Dagdag pa niya, noong gabi lamang na iyon ipinakilala sa kanya si Christine ng mga kaibigan niyang flight attendant din.

Nauna raw siyang natulog at nagulat na lamang siya kinabukasan nang makita ang sinapit ng dalaga.

"Chineck ko 'yung ilong niya kung may air na lumalabas, wala. Tapos chineck ko kung may heartbeat siya, wala rin. Sabi ko, 'Tin babe, gising na gising na please.' Tapos inumpisahan ko mag-CPR.

“Malambot pa siya. Naaalala ko nu'ng binuhat namin siya kamay 'yung kamay niya, 'yung arms niya palabas ng tub warm pa siya. Kaya akala ko mase-save ko pa siya,” aniya.

Claire Dela Fuente

Ipinagtanggol naman ni Claire ang kanyang anak, "Wala ho kaming tinatago and I believe my son kasi tinawagan niya ako no'n, e. Sabi niya, 'Ma may situation dito. Parang patay na yata 'yung girl dito.'

“Bakla 'yung anak ko, e. Ang hirap i-admit pero alam ko 'yon matagal na bata pa siya. Kaya lang nagpapaka-disente siya,” aniya.

Hindi rin umano maiwasan ni singer na matakot para sa magiging takbo ng kaso.

“Nanginginig ako sa takot. Sana maging fair lang ang laban. Nag-e-expect kami na sana may fair play dito. We're seeking justice too for Tin,” dagdag pa niya.

John Pascual Dela Serna III Rommel Galido  John Paul Halili

Tatlong suspek, pinalaya na

Samantala, hindi naman mapigilan ng isa sa tatlong pinakawalan na maging emosyonal nang makapanayam ng media pagkalabas ng presinto.

“Sana po igalang na lang po natin kung ano 'yung lumabas na resulta kasi lahat naman tayo ang aim dito…” umiiyak na pahayag ni John Paul.

“Hirap na hirap na kasi ang pamilya ko,” umiiyak na sabi pa niya. “Buong pamilya ko. Wala kaming kasalanan.”

Ipinag-utos ng Office of the City Prosecutor ng Makati City na pakawalan ang tatlo dahil sa naglabas ito ng resolusyon na kumuwestiyon sa reklamong rape with homicide na inihain laban sa 11 kasama ni Christine sa isang year-end party sa Makati City noong December 31.

Ayon sa resolusyon, maraming dapat klaruhin sa inihain na paratang partikular na sa ireklamong sexual abuse o panggagahasa kay Christine.

Hindi umano sapat ang ebidensiyang iprinisinta ng pulisya upang matiyak na si Christine nga ay ni-rape at kung sino ang gumawa nito.

Wala rin umanong malinaw na ebidensiya kung pinatay si Christine. Kung mapapatunayang may “foul play” na naganap, kinakailangang matukoy kung sino-sino ang responsible rito.

Hindi pa rin umano naisusumite ang resulta ng DNA analysis, toxicology o chemical analysis at histopath examination.

Ayon sa mga report, idineklara ng ospital kung saan siya agad isinugod na ruptured aortic aneurysm ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Samantala, kilalanin ang ilang personalidad na nakaranas ng aneurysm: