GMA Logo Tanya Garcia
What's Hot

EXCLUSIVE: Tanya Garcia-Lapid, may plano nga bang talikuran ang showbiz for good?

By Aedrianne Acar
Published January 8, 2021 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Tanya Garcia


Tanya Garcia on her showbiz comeback: “Kung 'yan ang destiny mo, kahit pag-iiwasan mo diyan at diyan ka pa rin mapupunta.”

Mas lalong kaabang-abang ang pinakabagong drama series ng Kapuso Network ngayong 2021 na Babawiin Ko Ang Lahat, dahil isa sa bida nito ang nagbabalik Kapuso na si Tanya Garcia-Lapid.

Matatandaan na nakilala si Tanya sa kanyang on-screen teamup with Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at isa sa malalaking project nila noon ang seryeng Sana ay Ikaw na Nga (2001).

Ngayong 2021, muling ipapamalas ni Tanya ang kanyang acting prowess sa Babawiin Ko Ang Lahat kung saan makakasama niya ang ilan sa mga kilala at respetadong actor sa industriya tulad nina John Estrada at Carmina Villarroel.

Sa eksklusibong panayam kay Tanya Garcia-Lapid ng GMA Entertainment Group, umamin ito na may intensyon siyang iwan na noon ang showbiz for good.

May tatlong anak si Tanya kay actor-politician Mark Lapid na sina Mischa Amidala, Matilda Anika, at ang bunso nila na si Madeleine na isinilang niya noong 2016.

Saad niya, “After my first daughter sabi ko, 'Okay na ako.'

“Parang I guess this is my calling, feeling ko 'yun 'yung calling ko to be a mom. Thankful talaga ako especially to GMA, kasi never nila ako nakakalimutan parating may offers talaga, parati sila nagpi-pitch ng stories.

“Even if nagbe-beg off na ako, nagsasabi ako na hindi ako puwede or puwede ako pero for a short role lang, guesting lang.

“Talagang never nila ako nakalimutan and until know na parang nagsabi na ako na ayaw ko na nga rin [nag-ooffer pa rin]”

Dahil patuloy pa din ang pagdating ng mga offer kay Tanya, napa-isip ito na baka nga naka-tadhana siya na magpatuloy sa pag-arte.

“So iniisip ko ang daming guesting ng work tapos ako parang I'm trying to veer away or stay away from it na nga, pero hindi pa rin nila ako nakakalimutan. So, I guess para dito ako, kasi di ba kung 'yan ang destiny mo, kahit pag-iiwasan mo diyan at diyan ka pa rin mapupunta.”

“So, feeling ko siguro para sa showbiz ako,” paliwanag ng aktres.

Malaki din daw ang naging pagbabago sa buhay niya matapos din magkaroon ng sariling pamilya.

Pagbabalik-tanaw nito, “Totally different kasi, when I gave birth when I had children parang I stop talaga totally from everyday na may work biglang at home na, domesticated tapos hands-on sa children.

“Tapos after my second daughter medyo lumabas ako uli, pero hindi na like before na every day. Parang every other day na lang 'yung ganun, tapos guestings lang.

“So malaki 'yung difference talaga.”

Accepting the role

Gaganap si Tanya Garcia bilang ina ng promising Kapuso actress na si Pauline Mendoza sa Babawiin Ko Ang Lahat.

Matapos ang anim na taon, kung saan ang huling project niya sa GMA-7 ay ang 2010 serye na Strawberry Lane, bakit siya napapayag na tanggapin ang role sa Babawiin Ko Ang Lahat?

Tugon ng celebrity mom, “So, when they pitched this story, they told me na it was for a guesting lang for a short period of time,

“Tapos I was supposed to go to the States dapat magta-travel kami then noong nalaman nga yata nila na hindi tuloy, tapos pa-COVID na noon, di ba?

“Parang tinanong nila ako na sabi nila, 'What if bumalik ka sa story, puwede ka pa ba?'

“Sabi ko, 'Okay, sige.' Pero hindi ko ine-expect na full teleserye 'yung nandoon ako. Iniisip ko mawawala ako on the fourth week, tapos babalik ako towards the end, pero mas napa-haba. Actually, nakakatuwa, nakaka-excite [and] nakaka-kaba, kasi after a long-time talaga parang ito yung first-ever full teleserye ko uli.”

Heto ang ilan sa behind-the-scenes sa naging lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat sa Batangas sa gallery below. Silipin sa gallery below!

Related content:

GMA brings together a powerful cast for upcoming drama series 'Babawiin Ko Ang Lahat'

John Estrada, ibinahagi ang challenges sa lock-in taping ng 'Babawiin Ko Ang Lahat'

Meet Dave Bornea and Manolo Pedrosa's characters on 'Babawiin Ko Ang Lahat'