GMA Logo Anna Vicente Lianne Valentine Jeremy Sabido
What's Hot

Anna Vicente, Lianne Valentin, at Jeremy Sabido, inilahad ang mga paghahanda para sa lock-in taping ng 'Ang Dalawang Ikaw'

By Jansen Ramos
Published January 11, 2021 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New Year's 2026 celebration around the world
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Anna Vicente Lianne Valentine Jeremy Sabido


Ikatlong pagtatambal nina Ken Chan at Rita Daniela sa telebisyon ang 'Ang Dalawang Ikaw' matapos ang 'My Special Tatay' at 'One of the Baes.'

First time makakaranas ng lock-in taping ang young actors na sina Anna Vicente, Lianne Valentin, at Jeremy Sabido.

Sasailalim sila sa isang closed group shoot simula ngayong Enero para sa bagong GMA drama na Ang Dalawang Ikaw. Pagbibidahan ito nina Ken Chan at Rita Daniela na gaganap bilang mag-asawang Nelson at Mia.

Iikot ang kwento ng serye kay Nelson na na-diagnose ng dissociative identity disorder o DID kaya magkakaroon si Mia ng kaagaw sa mister dahil sa alter personality nito.

Ipapakilala sa Ang Dalawang Ikaw ang 22-year-old rising star na si Anna na gaganap bilang kontrabida sa serye. Bibigyang-buhay niya ang karakter ni Beatrice, ang fiancee ni Tyler--ang alter personality ni Nelson. Nakilala si Anna nang mapabilang sa mga pelikulkang Aswang (2011), Shake, Rattle, and Roll Fourteen: The Invasion (2012), at My Rebound Girl (2016).

Naging parte rin si Anna ng 2010 drama fim na In Your Eyes na pinagbidahan nina Claudine Barretto, Richard Gutierrez, at Anne Curtis. Young Ciara (Claudine) ang role na ginampanan ni Anna sa pelikula.

Bagamat bata pa lang ay pinasok na ang showbiz, hindi hinayaan ni Anna na makapante sa kanyang bagong proyekyo sa GMA at sumali sa isang acting workshop bilang paghahanda sa Ang Dalawang Ikaw.

Aminado naman ang kanyang co-star na si Lianne na kinakabahan siya sa kanyang unang lock-in taping dahil tatagal ito ng ilang linggo. Gaganap siya bilang Jo, best friend ni Mia.

Aniya, "Medyo kabado kasi nga first time pero nagpe-prepare talaga ko for our shoot kasi, siyempre, gusto ko rin makatulong to make the shoot easier and smooth lang."

Sabi pa niya, "Iwas-iwas din sa paglabas dahil ayaw naman natin makadala ng COVID-19 sa taping. Lalabas lang 'pag kailangan lang talaga."

Hinahanda rin daw ni Lianne ang kanyang sarili emotionally at mentally dahil matagal siyang mawawalay sa kanyang pamilya.

Samantala, unang serye ng baguhang artistang si Jeremy, isang StarStruck alumnus, ang Ang Dalawang Ikaw kaya naman pinaghahandaan niya kung paano siya makikipagsabayan kay Ken dahil gaganap siya bilang King, best frriend ng karakter ni Ken--si Nelson.

Pahayag ni Jeremy, "Siyempre po, napakagaling ng dalawang bida natin dito so pinaghahandaan ko rin ang role ko as best friend po ni Sir Ken Chan at kung paano ko ba ilalahad 'yung karakter ko na kakaiba pero makakasabay kay Nelson."

Dagdag niya, "Kinakabahan po talaga ko sa lock-in po namin kasi nga first tme din po and first teleserye ko po ito."

Bukod kina Anna, Lianne, at Jeremy, tampok din sina Jake Vargas, Dominic Rocco, at Joana Marie Tan sa Ang Dalawang Ikaw bilang supporting actors.

Ang serye ang ikatlong pagtatambal nina Ken at Rita sa telebisyon matapos ang My Special Tatay at One of the Baes.

Mapapanood ang Ang Dalawang Ikaw malapit na sa GMA-7.