
May bagong single ang pop alternative band na Spongecola, ang “Siguro Nga,” at inspired ito sa hit Netflix K-drama na Start-Up na pinagbidahan nina South Korean stars Bae Suzy, Nam Joo-hyuk, Kim Seon-ho, at Kang Han-na.
Nang makapanayam ng 24 Oras, ibinahagi ng vocalist ng banda na si Yael Yuzon na naantig siya sa ilang eksena ng serye, dahilan para magkaroon siya ng drive na gumawa ng bagong kanta.
Source: sponge_cola (Instagram)
“Nanonood ako ng 'Start-Up' tapos pagdating sa episode nine, hindi ko sasabihin para walang spoilers, parang sobrang overwhelming 'yung feeling na right after parang…,” lahad ni Yael na ini-demonstrate pa ang kanyang pagkabigla sa eksena. “Tapos naglakad ako five steps, kinuha 'yung gitara and ginawa ko na 'yung song.”
Dagdag pa ng bokalista, nadala raw siya na 'tila tinamaan pa ng second lead syndrome sa mga madamdaming eksena ng brokenhearted na si Han Ji-pyeong na ginampanan ni Seon-ho.
“Nice show, well-excuted show na natuwa ako at na-inspire ako. So parang, 'Ang galing, a! Sobrang moving naman nito',” aniya.
Dagdag pa ni Yael, ang serye ay hindi lamang umano tungkol sa pag-ibig.
“It doesn't even have to be about romantic love. It can actually be about decisions we make, about work decisions na we didn't pursue, mga goals na hindi natin hinabol,” aniya pa.
Source: _seonhokim (Instagram)
Samantala, nagbigay din ng sarili niyang pananaw ang lead guitarist ng Spongecola na si Armo Armovit na hugot mula sa kanyang napagtanto sa serye.
“Hindi siguro lahat ng taong nakakasalubong sa buhay natin are meant to stay or meant to be there. May mga taong dumadating lang.
“We have to be thankful for the time that we have with each other. Appreciate our friendship and the relationship that was kasi dahil sa relationship na 'yon naging tayo. Nag-contribute 'yung tao na 'yon sa kung sino tayo,” aniya.
Samantala, ang naturang K-drama ang nagbigay daan kay Seon-ho na sumikat globally dahil sa mahusay nitong pag-arte rito.
Kilalanin ang bagong K-drama crush na si Kim Seon-ho sa gallery na ito:
Sa kasalukuyan, iniulat na gagampanan niya ang lead role sa upcoming drama na Mr. Hong katambal ang Korean actress na si Shin Min-ah.
Bukod dito, magkakaroon din siya ng global virtual fan meeting sa unang pagkakataon.
Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras DITO.