What's Hot

Glaiza De Castro, nag-shoot na ng prenup photos at videos sa Ireland

By Marah Ruiz
Published January 23, 2021 12:46 PM PHT
Updated January 23, 2021 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro


Nag-shoot na ng kanilang prenup photos at videos si Glaiza De Castro at fiancé niyang si David Rainey sa Ireland.

Very productive si Kapuso actress and singer Glaiza De Castro habang nasa Ireland kasama ang kanyang fiancé na si David Rainey.

Sinamantala ni Glaiza ang ganda ng paligid sa Ireland at nag-shoot dito ng music video para sa isang kantang isinulat niya kamakailan.

"Can't wait to share this with you!" sulat niya sa kanyang Instagram.

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Bukod dito, nakapag-shoot na rin sila ni David ng kanilang prenup photos and videos.

"May mga nagtatanong kung gumawa ba kami dito ng engagement video or ng prenup. Nakagawa kami since puwede naman kaming lumabas within five kilometers from their house.

"Apparently, may kaibigan siya or may kakilala siya na photographer na naka-collaborate namin. So ayun, marami kaming nagawa," pahayag ni Glaiza.

Credits: doherty_paul Instagram

Inamin din ni Glaiza na minsan na siyang nag-alinlangan tungkol sa relasyon nila ni David.

"Noong time na nag-aalinlangan ako kung talagang siya ba talaga 'yung tao para sa akin, laging may pinapakita si Lord na pagkakataon para sabihin sakin na ito 'yung binigay ko para sa 'yo," paggunita niya.

"Masasabi ko na through David nararamdaman ko rin 'yung blessing sakin ni Lord, 'yung pagmamahal niya sa akin, kasi pinaparamdam niya sa akin kung gaano 'ko ka-special," dagdag pa niya.

Silipin ang buhay ni Glaiza sa Ireland sa gallery na ito:

Samantala, sakto sa pagbalik ni Glaiza sa Pilipinas ang pagpapalabas ng pelikulang Midnight in a Perfect World.

Kasama niya dito ang kapwa ni Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith.

Inilarawan naman ni Glaiza ang kanyang karakter sa pelikula.

"Si Jinka, para siyang mystery sa pelikula. Hindi mo talaga alam kung saan siya galing, kung anong background niya. Si Jinka 'yung parang nagre-represent doon sa isang very important subject doon sa pelikula," aniya.

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Mapapanood ang Midnight in a Perfect World simula January 29 sa Upstream.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.

Silipin din ang prenup photos nina Glaiza at David sa gallery na ito: