GMA Logo Lovely Abella and Benj Manalo
What's Hot

Lovely Abella and Benj Manalo are now married!

By Jansen Ramos
Published January 24, 2021 11:23 AM PHT
Updated January 24, 2021 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Lovely Abella and Benj Manalo


Ikinasal ang dating dancer ni Willie Revillame na si Lovely Abella sa anak ng komedyanteng si Jose Manalo na si Benj Manalo kahapon, January 23.

Ibinahagi ng dancer-turned-actress na si Lovely Abella na kasal na siya kay Benj Manalo, anak ng Eat Bulaga Dabarkad na si Jose Manalo.

Inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram account ngayong Linggo, January 24, kalakip ang dalawang larawan mula sa kanilang garden-themed wedding sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City noong Sabado, January 23.

A post shared by Lovely Abella - Manalo (@lovelyabella_)

"Mr. And Mrs. Manalo..," sulat ni Lovely sa kanyang caption kalakip ang isang heart emoji.

Bumuhos naman ang pagbati para sa newlyweds sa comments section ng post ng dating dancer ni Willie Revillame.

Ilan lamang sa well-wishers nina Lovely at Benj ang kanilang mga kasamahan sa industriya tulad nina Marian Rivera, Carla Abellana, Iza Calzado, Barbie Forteza, Rodjun Cruz, Rita Daniela, at Luningning.

Naghatid rin ng pagbati ang mga kaibigan at katrabaho ni Lovely sa Bubble Gang na sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, at Arny Ross.

Dalawang beses nag-propose ng kasal si Benj kay Lovely.

Matatandaang unang hiningi ng aktor ang kamay ni Lovely para sa pakasalan ito sa isang surprise wedding proposal na naganap sa isang fake music video shoot noong June 2019, matapos ang kanilang apat na taong pagsasama.

Nito lamang January 1, 2021, muling tinanong ni Benj si Lovely ng "will you marry me?" para muling patunayan ang pagmamahal niya sa Kapuso star.

Ayon sa Instagram post ng huli, nag-"propose" din ang aktor sa anak ng kanyang fiancee na si Crisha Kaye.

Sa panayam ni Pia Arcangel kina Lovely at Benj sa Tunay Na Buhay, ibinahagi nila na nais sana nilang ikasal na noon pang October 2020 dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Sa kabutihang palad, nasunod naman ang orihinal nilang plano na ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong January 2021.

Samantala, narito ang listahan ng celebrity couples na minarapat na ipagpaliban ang kanilang kasal dulot ng pandemya: