What's Hot

Carla Abellana, bilib na bilib sa work ethic ni Coney Reyes

By Dianara Alegre
Published January 27, 2021 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana and coney reyes


Nagpapasalamat si Carla Abellana sa pagkakataong makatrabaho si Coney Reyes sa primetime series na 'Love of My Life.'

Napanood na simula noong nakaraang linggo ang fresh episodes ng Kapuso series na Love of My Life at nagbalik-taping na rin ang cast nito, kabilang sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Coney Reyes, at Mikael Daez.

Ayon kay Carla, kahit na maraming adjustments sa lock-in taping alinsunod sa safety protocols laban sa COVID-19, naging maayos ang takbo ng shoot nila.

Dagdag pa niya, nagpapasalamat din siya na makatrabaho si Coney dahil marami siyang natututunan dito.

Sa serye ay gumaganap siya bilang daughter-in-law ng veteran actress

“Madaming insights, maraming sharing, and tulungan in that way.

"'Tapos what I like best about Tita Coney is ang galing niya kasi sa totoo lang behind the scenes mabiro din siya minsan, e. 'Tapos 'pag nag-action, in character na, ang galing!” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Cast ng Love of My Life

Source: carlaangeline (Instagram) & coneyreyes (Instagram)

Bukod sa mas intense at mas madramang mga eksena, dapat din umanong abangan ang pagbabalik ng karakter ni Tom na gumanap bilang si Stefano, ang pumanaw na asawa ni Carla.

“Ang galing ng writers na kahit namatay na 'yung character ni Stefano sa kwento, nagawan ng paraan na kahit papano lalabas pa rin siya dun sa show,” aniya.

Samantala, kamakailan ay ibinahagi ni Carla ang buhay niya sa lock-in taping sa kanyang YouTube channel.

Tampok dito ang morning at night routine niya, workout sessions, at mga ginagawa niya in between takes.

Silipin ang new normal taping ng Love of my Life:

Kamakailan din ay ginawaran si Carla ng Most Favorite Foreign Actress award sa 7th Face of the Year Awards sa Vietnam.

Ito ay para sa ginampanan niyang role sa 2015 Kapuso romantic comedy series Because of You, na kinilala rin bilang Most Favorite Foreign Drama Series sa naturang gawad-parangal.

Ang kapareha ni Carla sa serye na si Rafael Rosell ay tumanggap din ng Most Favorite Foreign Actor award para sa performance niya sa nasabing serye.

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.