GMA Logo Avid fan ni Ken Chan pina tattoo ang pangalan ng aktor
What's Hot

Avid fan ni Ken Chan, pina-tattoo ang pangalan ng aktor

By Jansen Ramos
Published January 28, 2021 3:53 PM PHT
Updated February 23, 2021 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Avid fan ni Ken Chan pina tattoo ang pangalan ng aktor


"Masakit pero kinaya. Gano'n naman daw talaga 'yun 'pag mahal mo isang tao." paliwanag ng avid fan ni Ken Chan na si Joy Suayan.

Na-flatter ang Kapuso actor na si Ken Chan nang ipa-tattoo ng isang avid fan ang kanyang pangalan.

Ipinost niya ito sa kanyang Facebook page para pasalamatan ang kanyang tagasuporta na nagngangalang Joy Suayan, tubong Taal, Batangas.

"First time ko ata naranasan na may nagpa-tattoo ng name ko. Just WOW! Joy Suayan you're very sweet," sulat ni Ken sa kanyang caption.

Makikita sa mga larawan na ipina-tattoo ni Joy ang pangalang Ken Chan, kalakip ang isang puso, sa kanyang kaliwang balikat

Na-overwhelm naman si Joy nang mapansin ng kanyang iniidolo ang kanyang sweet gesture.

"Halaaaa!!! 'Di ko alam mararamdaman ko! Omg! Ang sayaaaaa ko sobra. First time. Thank you so much bibi Ken. Naiiyak na ko sa tuwa at sobrang kaba ko," komento ni Joy sa post ni Ken.

Ipinakita pa ni Joy sa kanyang Facebook account ang behind-the-scenes videos ng kanyang pagpapa-tattoo.

Ayon kay Joy, masakit daw ang pagpapa-tattoo pero tiniis niya para sa pagmamahal niya sa Kapuso actor.

Aniya, "Masakit pero kinaya. Gano'n naman daw talaga 'yun 'pag mahal mo isang tao. Handa kang masaktan. So kahit masakit, tiniis ko. Gano'n kita kamahal."

Ayon pa kay Joy, mahigit limang taon na siyang tagahanga ni Ken na unang nakilala sa kanyang titular role sa 2015 GMA series na Destiny Rose.

Never pa raw nakita ni Joy nang personal ang Kapuso star kaya minabuti na lang niyang ipa-tattoo ang pangalan nito para lagi na raw niya itong kasama.

Saad niya, "Ibig sabihin pang habang buhay na 'yung love ko sa 'yo.

"Yes, maybe I'm not an active fan mo sa social media updates mo lalo na 'pag may ganap ka but my love for you is pure and unique. Hehe ikaw 'yung una e.

"Alam mo ba 'yung lahat ng chance ko na makausap ka online lagi na lang 'di natutuloy. Ewan ko ba baka 'di pa talaga 'yun 'yung right time hehe.

"Kulang na nga lang i-mention ko na GMA Artist Center at mom mo tita Veronica Chan (na-mention ko na pala) tas #MPK #Wowowin #KMJS para lang makita ka e, pero wala.

"Kelan pa kaya kita makikita sa personal at ma-hug? Nakiki-SANA ALL na lang ako palagi sa mga fans na nakakasama ka. "

Gayunpaman, naniniwala raw si Joy na mami-meet din niya ang kanyang idol in person.

Dugtong niya, "But I know na magkikita rin tayo soon 'pag pwede na. 'Pag ok na ang lahat. In God's perfect time and perfect place. In God's will."

Lubos na sumikat si Ken nang gumanap bilang Boyet, isang binatang mayroong mild intellectual disability, sa My Special Tatay.

Nakasama niya rito si Rita Daniela, na gumanap bilang prostitute. Mula noon, maraming nakapansin sa kanilang chemistry at hindi kalaunan ay minahal din ng mga manonood ang kanilang tambalan.

Sa katunayan, nasundan pa ang kanilang mga proyekto tulad ng GMA shows na One Of The Baes at The Clash. Noong nakaraang taon ay nag-shoot na rin sila para sa kanilang debut film na My First And Always na ipapalabas soon.

Sa ngayon, naghahanda na sina Ken at Rita para sa kanilang upcoming Kapuso drama na Ang Dalawang Ikaw.

Tingnang ang ilang behind-the-scenes photos sa kanilang lock-in taping dito?

Samantala, kung kinilig kayo sa love team nina Ken at Rita, narito ang ilan pang unpexpected Kapuso love teams na nag-click sa telebisyon.