
Sino ang mag-aakala na isa sa mga tumulong para maka-biyahe ang Kapuso actress na si Glaiza De Castro papunta sa Ireland ay ang Wowowin host na si Willie Revillame.
Matatandaan na lumipad noong Disyembre si Glaiza para makasama sa Pasko ang pamilya ng BF niya na si David Rainey.
Pero nasorpresa ang actress-singer nang mag-propose si Rainey. Inanunsyo ng Kapuso star ang kanyang engagement sa bisperas ng Pasko sa Instagram.
Sabi ni Glaiza sa kanyang post, “Who would've thought I'd say yes in freezing cold weather...it just felt right.”
Sa Friday episode ng Wowowin, kung saan ipinagdiriwang ng show ang 60th birthday ni Willie Revillame, nagpaabot ng mensahe si Glaiza para sa magaling na game show host.
Dito nabanggit ni Glaiza na malaki ang pasasalamat niya kay Kuya Wil, dahil tinulungan daw siya nito papunta sa Ireland at pati din pabalik sa Pilipinas.
Saad ni Glaiza sa isang video na ipinalabas sa Wowowin habang naka- quarantine, “Hi Kuya Wil! Belated happy birthday, naka-uwi na po ako ng Pilipinas at ngayon po ay nagkuwa-quarantine na po ako.
“Gusto ko lang po magpasalamat sa inyo, again sa pag-support niyo po sa akin sa pagpunta ko po ng Ireland at sa pagtulong n'yo rin sa akin.
“Talagang napakumportable po ng journey ko papunta at pabalik ng Pilipinas, so maraming-maraming salamat po and sana po patuloy pa kayo i-bless.
“At maraming-marami blessings pa ang dumating sa inyo. Thank you po and happy birthday.”
Nabanggit n ani Glaiza De Castro sa isang panayam sa 24 Oras na sa susunod na taon pa sila magpapakasal ni David Rainey.
Kuwento niya kay Lhar Santiago, “Definitely hindi pa sa 2021 pero baka after na po. We're still taking our time. Hindi naman kami masyadong nagmamadali especially may mga work pa na nag-aantay na.
“Actually pag-uwi ko ng Philippines, mga ilang araw may gagawin na po akong bagong project,”
Samantala, silipin dito ang ilang pre-nup photos nina Glaiza at David:
Michele Gumabao
Sa naturang episode din ng Wowowin, nagpaabot din ng pasasalamat ang 2020 Miss Universe Philippines 2nd runner-up na si Michele Gumabao na kasama siya sa 60th birthday celebration ng Kapuso host.
Ani Michele, masarap sa pakiramdam na milyun-milyon ang naabot ng kanilang show araw-araw.
“Isang linggo naman ako naka-experience ng everyday sa Wowowin. Kaya Kuya Wil, nagpapasalamat din ako, kasi naging parte ako ng birthday celebration na nagpasaya sa libu-libong, milyun-milyong mga taong nakatututok sa atin araw-araw.”
Bago sumabak sa Miss Universe Philippine si Michele, siya ang naging representative ng Pilipinas sa Miss Globe 2018 na idinaos sa Tirana, Albania.
Pasok ang volleyball-turned-beauty queen sa Top 15 ng Miss Globe.
Ang Wowowin ay araw-araw nang napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.
Related content:
Willie Revillame, naging emosyonal sa kanyang birthday celebration sa 'Wowowin'
Willie Revillame, humingi ng paumanhin sa fans na dumagsa sa Wil Tower