GMA Logo julie anne san jose and david licauco
What's on TV

Netizens kinilig kina Julie Anne San Jose at David Licauco

By Cara Emmeline Garcia
Published February 3, 2021 4:58 PM PHT
Updated March 4, 2021 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

julie anne san jose and david licauco


Ramdam na ng netizens ang Feb-ibig kina Julie Anne San Jose at David Licauco!

Feb-ibig is definitely in the air para sa ilang netizens ngayong buwan dahil nilanggam na sila sa kilig na dala ng tambalang Julie Anne San Jose at David Licauco.


Sa Instagram noong February 1, biniyayaan ni Julie ang kanyang fans ng isang portrait selfie at binigyan ito ng caption na “Hey.”

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Sa comment section, makikita na nagreply ang kanyang Heartful Cafe co-star na si David Licauco na nagsabing, “Hi,” at sinabayan pa ito ng shy emoji.

Tila kinilig ang ilang netizens sa reply ni David kaya naman umani ito kaagad ng mahigit 200 likes at iba't ibang replies sa social media site.

Bitiw ng ilan, “Kinikilig ako!”

Sabay sabi ng isa, “Hoy! Nakakakilig. Hahaha.”

Biro naman ng ilang netizens, “David ha, sinasabi ko sa'yo. Bantay ka lang. AHAHAHA. Do'n ka sa dulo, mahaba ang pila bawal sumingit! Char.”

Ani naman ng isa, “Naging busy lang ako, ambilis mo nang mag-hi sa iba. Charot!”

Source myjaps IG

Source: myjaps (IG)

Bibida ang tambalang Julie Anne San Jose at David Licauco sa panibagong GMA News TV offering ngayong taon na Heartful Cafe.

Gaganap si Julie bilang si Heart Fulgencio isang online romance novelist na nagmamay-ari ng Heartful Café, isang family-run coffee business kung saan ipagma-match n'ya ang kanyang mga customers base sa kanilang profiles at personalities.

Si David naman ang gaganap bilang si Ace, ang love interest ni Heart sa serye.

Ang Heartful Cafe ang kauna-unahang pagtatambal nina Julie at David sa Kapuso series.

Kuwento ni Julie sa isang interview, “First time ko makaka-work si David bilang leading man kaya I'm excited,

“We see each other around GMA. Pero we never really had the chance to talk or magkamustahan. Siguro dito ko mas makikilala si David.

“Dito namin malalaman ang capability namin ni David as a love team.

"I'm also looking forward kung anong mai-offer ng team up sa audience and ano mai-offer namin sa isa't isa. Gusto namin maging organic lang lahat.”

Abangan ang Heartful Café ngayong taon sa GMA News TV.

Samantala, narito ang ilang pang Kapuso stars na dapat abangan ngayong taon: