
Kung may date ka man o wala, siguradong ma-e-enjoy mo ang mga romantic movies na inihanda ng GMA News TV ngayong Valentine's Day weekend.
Balikan ang natatanging pag-ibig nina Aguiluz at Alwina sa Mulawin: The Movie, 11:00 am sa Sine Date Weekends ngayong February 13.
Sigurado namang kikiligin muli sa patok na tambalan nina Aga Muhlach at Lea Salonga sa Bakit Labis Kitang Mahal? sa Afternoon Movie Break, 2:00 pm.
Tawanan naman ang hatid ng komedyanteng si Super Tekla sa kanyang movie debut n Kiko en Lala sa Saturday Cinema Hits, 5:30 pm.
Magbubukas naman ang mismong Araw ng mga Puso, February 14, sa hit movie na Imagine You & Me nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Phenomenal Star Maine Mendoza sa Sine Date Weekends, 12:00 pm.
Back to back din ang mga romantic comedies na Bakit ba ganyan? (Ewan ko nga ba, Darling) ni Vic Sotto at Dina Bonnevie, 2:00 pm at Forever nina Aga Muhlach at Mikee Cojuangco, 4:00 pm sa Afternoon Movie Break.
Live-action adaptation naman ng Ghost in the Shell, starring Scarlet Johansson ang mapapanood sa The Big Picture, 8:45 pm.
Patuloy na tumutok sa GMA News TV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.