GMA Logo teejay marquez
What's Hot

Teejay Marquez, mas dumami raw ang fans abroad dahil sa BL series

By Nherz Almo
Published February 13, 2021 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Caprice Cayetano fails to advance in gift of immunity challenge
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

teejay marquez


"Nakakatuwa na hindi nawala, mas nadagdagan pa," sabi ni Teejay Marquez tungkol sa kanyang Indonesian fans na todo suporta rin sa kanyang boy's love web series na BenXJim.

Aminado si Teejay Marquez na hindi niya inaasahang susuportahan ng kanyang fans abroad, partikular ng ang conservative fans niya sa Indonesia, ang bagong proyekto niyang Ben X Jim.

Ang Ben X Jim ay isang boy's love web series na iprinodyus ng Regal Entertainment. Bilang Ben, bumibida si Teejay rito kasama ang kapwa aktor na si Jerome Ponce, ang kanyang love interest na si Jim.

Noong nakaraang taon natapos ang unang season ng naturang BL series.

Ayon kay Teejay, halo-halo ang reaksiyong natanggap niya mula sa fans tungkol Ben X Jim.

"Actually, ine-expect ko na hindi sila magsasalita about this.

"Pero talaga, and daming Indonesian [fans] na sila pa 'yung nag-aabang, namimilit sila na nasaan na 'yung subtitle ng Bahasa.

"So, nakakatuwa na hindi nawala, mas nadagdagan pa.

"Pero hindi maiiwasan na may mga conservative na, 'Oh, you're doing BL, what happened?'

"Nagre-reply naman ako sa comment nila na, 'This is just a BL, this is just a project.' Naiintidihan naman nila.

"Nagre-reply ako sa comment para makita nila na trabaho lang din naman ito. Then, 'Sige, panonoorin namin.'

"I'm just so thankful na ang suporta nila hindi nawala. Lucky lang ako na hindi nawala."

Matatandaan na nakilala si Teejay sa Indonesia nang maging bahagi siya ng Siapa Takut Jatuh Cinta (2017), ang Indonesian adaptation ng hit Taiwanese drama na Meteor Garden.

A post shared by @teejaymarquez

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Teejay sa Regal Entertainment dahil sa pagtitiwala sa kanya sa proyektong Ben X Jim.

Ayon sa 27-year-old actor, ito ang unang proyekto niya ngayong pandemic.

"Malaki ang pasasalamat ko Regal dahil nabigyan ako ng trabaho kahit mahirap talagang kumilos ngayon.

"Ang hindi ko talaga in-expect na magiging hit siya sa mga tao, sobrang mamahalin siya ng mga tao.

"Para sa akin, gusto ko lang din naman makapagpatuloy sa ginagawa ko dati, ang makapagtrabaho."

Bukod sa bagong trabaho, natutuwa rin si Teejay dahil muli siyang nakapag-entertain ng mga manonood lalo na sa gitna ng pandemya.

Aniya, "So, 'yung naramdaman kong pagbabago after [season one] ang laki kasi hindi ko ine-expect. Like, gusto ko lang talaga na may magawa.

"Pero ngayon, parang may iba na akong nagagawa sa mga tao--napapasaya ko sila, may nai-inspire na ako.

"Hindi ko ine-expect na ganito pala ang dating sa kanila. Kaya talagang sabi ko, iba talaga yung bigay sa akin ng istorya ng director.

"Yung istorya na ito, may mga nababago kaming buhay, may mga nai-inspire kami, kaya malaking tulong ito na nabigay sa akin, isang karangalan at opportunity."

Simula ngayong linggo, mapanonood na ang eight-part second season ng Ben X Jim sa streaming website na Upstream PH.

Samantala, narito ang ilang same-sex celebrity pairings na nagpakilig sa Pinoy viewers: