GMA Logo Ashley Ortega
What's on TV

Ashley Ortega, excited nang ipakilala ang karakter niya sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published February 16, 2021 7:04 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Ayon kay Ashley Ortega, ang karakater daw niya ang magiging sanhi ng ilang malalaking gulo sa 'Legal Wives.'

Kasama sa malaking cast ng upcoming cultural drama series na Legal Wives si Kapuso actress Ashley Ortega.

Ashley Ortega


Nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa kanyang role sa serye sa episode ng Kapuso ArtisTambayan na idinaos noong February 11. Kasama niya dito ang co-stars na sina Bianca Umali and Adbul Raman.

"I will be playing an interesting role here sa Legal Wives. I'll be playing the character of Mariam. Sure ako, maraming maasar sa kanya," ani Ashley.

"For sure maraming [bahagi ng] Muslim community na magagalit sa akin, sa character ko, kasi siya 'yung masama. Siya 'yung puno't dulo ng gulo," dagdag pa niya.

Masaya din daw siyang nakakatrabaho niya ang ilang mga beteranong aktor dahil sa serye.

"I remember yesterday, nagte-taping kami. Nagkaroon ng isang malaking scene, mga veterans, mga seniors--Ms. Cherie [Gil], Al Tantay, Mon Confiado. Basta they did this huge scene. Na-amaze ako dahil ako, sa character ko, 'yung dahilan kung bakit nila ginagawa 'yung huge scene na 'yun. Sobrang nae-excite ako sa mga tao na ma-meet nila si Mariam," paggunita niya.

Nae-enjoy din daw ni Ashley ang lock-in taping nila sa isang resort sa Laguna.

"It doesn't feel like work. Nae-enjoy ko 'yung bonding time with co-actors when we eat, when we cook," kuwento niya.

"'Yun 'yung memorable for me. When we get together, kaming mga cast, we would eat. Saka mahina kasi signal doon so we have no choice but to communicate with each other," biro pa niya.

Proud din daw siya sa trabahong ginawa ng production team ng serye.

"Aside from that, 'yung prod kasi namin it's very beautiful. Especially 'yung mga designs sa productions, it's very different from the past teleseryes kasi cultural nga," paliwanang niya.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Maranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.

Bibida sa serye sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at mga aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Bahagi din ng Legal Wives sina Cherie Gil, Al Tantay, Irma Adlawan, Shayne Sava, Abdul Raman at marami pang iba.

Samantala, silipin ang unang araw ng taping ng Legal Wives sa gallery na ito: