GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

Marian Rivera, aminadong natakot nang sumabak sa kanyang first virtual stage play

By Aedrianne Acar
Published February 20, 2021 10:27 AM PHT
Updated February 20, 2021 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Marian on 'Password: Oedipus Rex:' “buong buhay kong ipasasalamat na nakasama ako sa play na ito.”

Muli tayong pabibilibin ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa husay niya sa pag-arte dahil sa unang pagkakataon, mapapanood siya sa stage play na Password: Oedipus Rex ng Tanghalang Ateneo

Ang stage play ay sinulat ng ancient Greek playwright na si Sophocles na isinalin sa wikang Filipino ng National Artist for Theater na si Rolando Tinio.

Sa eksklusibong panayam ng Chika Minute kay Marian, ikinuwento nito kay Nelson Canlas na nagulat siya nang sabihan ng kanyang asawa na si Dingdong Dantes na siya ang napipisil ng Tanghalang Ateneo na gumanap sa Password: Oedipus Rex.

Kuwento ni Marian, “Sandali, medyo kinabahan ako. Sabi ko 'Dad, hindi ko forte ang teatro, hindi ko kaya yan'.”

Tugon naman ni Dong sa kanya, “'Hindi mo pa nga nasusubukan hindi mo na kaya'.”

Sa huli, mas nanaig sa Kapuso actress na gawin ang virtual stage play kahit kinakabahan siya noong una.

Aniya, “Kung tutuusin naman parang maduduwag panandalian, pero 'pag naiisip mo talaga. Bakit mo papakawalan ang pagkakataon.”

Para naman sa co-star ng aktres sa naturang stage play na si Yan Yuzon, ang laki ng naitulong ng celebrity mom sa paggawa nila ng proyekto na ito.

Wika niya, “Ang identity nung pag-produce ng play na ito is actually more of a film na separate 'yung structure. 'Yung mga nag-uusap hindi kailangan live na nagaganap.

“Dun ako hindi sanay, dun sanay si Marian dun siya maraming natulong sa akin.”

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Marian Rivera sa lahat ng bumubuo sa stage play at itong proyekto na ito ang isa sa mga maipagmamalaki niya sa kanyang mga chikiting na sina Zia at Ziggy.

“At alam mo Nelson isa lang masasabi ko, buong buhay kong pasasalamat na nakasama ako sa play na ito. Sabi ko nga pagmamalaki ko 'yan sa dalawa [kong] anak.”

Bumuhos din ang suporta ng mga kaibigan ni Marian Rivera sa mundo ng showbiz para sa bagong milestone na ito sa kanyang career.

Ilan sa mga ito ay sina GMA News pillar Arnold Clavio, Daddy's Gurl star Kevin Santos, at ang BFF niya na si Boobay.

Balikan ang transformation ni Marian Rivera mula sa pagiging sweetheart hanggang maging mabuting maybahay at loving nanay sa mga anak nila ni Dingdong Dantes sa gallery below.