
Gaya ng kanyang well-respected celebrity parents na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, pumasok na rin sa mundo ng pag-arte si Cassy Legaspi at malapit nang mag-debut sa upcoming Kapuso primetime series na First Yaya.
Dahil sa pandemic ay sumabak si Cassy sa lock-in taping para sa naturang serye at ayon kay Carmina ay medyo nahirapan siyang i-let go ang anak na ilang linggo ring hindi umuwi dahil sa taping.
Source: cassy (Instagram)
“Mahirap pero nakita ko talaga na gusto ni Cassy, e. Gusto talaga niyang mag-artista siya. Hindi naman din ako nahirapang i-let go. 'Yun nga lang, nung mga first few weeks umiiyak ako,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.
Pero dahil nakita niyang masaya si Cassy ay hinahayaan niya ang anak sa direksyong gusto nitong puntahan.
“Kung nakita ko na malungkot siya, pauuwiin ko talaga. Talagang sorry uwi ka na dito… pero naririnig ko sa boses niya everytime nagvi-videocall kami masaya siya,” aniya.
Samantala, sa media conference ng bagong serye niyang Babawiin Ko Ang Lahat kamakailan, sinabi niyang ayaw niyang maranasan ni Cassy, gayundin si Mavy na napapanood sa All-Out Sundays at Sarap, Di ba?, na kawawaain or tapak-tapakan gaya ng experience niya noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya.
“I always tell my kids you cannot please everybody, mayroon at mayroong maiinis sa inyo, mayroon at mayroong mangba-bash sa inyo and I'm also very thankful because 'yung mga kids ko, especially ngayon with the social media you know they have their accounts, mayroon talagang ilang bashers.
“Buti lang sila they don't care, they don't care as long as wala silang inaapakang tao and they are just minding their own business, okay sila. Hindi sila affected 'pag sila 'yung bina-bash. Affected lang sila 'pag kami ang bina-bash,” sabi niya.
Abangan si Carmina Villarroel sa Babawiin Ko Ang Lahat na magsisimula nang mapanood ngayong araw, February 22.
Silipin ang mga kaganapan sa lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat sa probinsya ng Batangas sa gallery na ito.
Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.