GMA Logo Vin Abrenica anf Sophie Albert
What's Hot

Sophie Albert laughs off remarks about her having 'kamay ng patay,' comments on Kylie and Aljur's separation rumors

By Jansen Ramos
Published March 1, 2021 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 11, 2025
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Vin Abrenica anf Sophie Albert


"'Yun talaga 'yung napansin nila, 'yung kamay. Parang kamay daw ng patay," saad ng soon-to-be mom na si Sophie Albert tungkol sa kanilang viral engagement photo ni Vin Abrenica kung saan makikita ang kanyang maputing kamay.

Marami ang nagpaabot ng pagbati sa celebrity couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica dahil sa sunod-sunod nilang relationship milestones.

Matapos ianunsyong lilipat na sila sa kanilang sariling bahay, ibinunyag ng dalawa noon ding nakaraang Pebrero na sila ay engaged na at magiging magulang na.

Siyempre, normal na reaksyon ng kanilang fans ay maging masaya para kina Sophie at Vin. Ang iba naman ay pinagkatuwaan ang engagement photo nila kung saan makikita ang maputing kamay ni Sophie na hinalintulad sa "kamay ng vampire" at inilarawan pang "sobra sa gluta" at "anemic."

Nag-viral sa social media nasabing larawan, bagay na hindi naman sineryoso ni Sophie at ng kanyang fiancé kahit na mas napansin pa raw ito ng madla kaysa sa kanilang engagement.

Alang-alang sa mga curious sa kaputian niya, paliwanag ni Sophie sa panayam ng GMANetwork.com ngayong araw, March 1, "Kasi hindi na kami nakakalabas ng bahay, 'di ba? Before lagi kaming nagbi-beach ni Vin so siguro 'di sila sanay I was that white and also may flash naman kasi 'yun.

"'Yung kamay ni Vin, mas moreno s'ya. Siguro sa contrast ng colors namin, sobrang na-emphasize do'n sa [photo]. Pero 'yun talaga 'yung napansin nila, 'yung kamay. Parang kamay daw ng patay."

Nauna nang nagkomento rito si Vin pero, tulad ni Sophie, hindi naman siya na-offend sa mga komento ng netizens.

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)

Speaking of engagement, balak daw nina Sophie at Vin na ikasal pagkatapos manganak ng aktres. Nasa huling semester na si Sophie ng kanyang pagbubuntis sa kanilang unang anak--isang baby girl.

Sabi niya, "I'm ready to give birth na soon. I'm 37, 38 weeks so I'm full term na so we were really waiting na lang until the baby comes out so the wedding would be after na."

Noong nakaraang buwan daw sana nila plano magpakasal ngunit pinostpone nila ito dahil sa banta ng COVID-19.

Samantala, bilang magiging Mrs. Abrenica na si Sophie, kinuha na rin namin ang pagkakataon na hingin ang kanyang pahayag tungkol sa estado ng relasyon ng kanyang future brother-in-law na si Aljur Abrenica at asawa nitong si Kylie Padilla.

Nais na sanang huwag magkomento ni Sophie sa isyu dahil wala pa siyang experience sa marriage.

Sa halip, aniya, "Whatever they are going through, I think we just need to let them go through it and figure it out on their own kasi none of us know what's going on."

Umugong ang ispekulasyon na hiwalay na sina Kylie at Aljur matapos magbahagi ng cryptic posts noong February 23 ang Kapuso actress na tila nagpapahiwatig nito.

Nag-post din siya ng larawan ng kanyang kaliwang kamay na hindi niya suot ang kanyang wedding ring at isang solo picture niya na may caption na "free" na kalaunan ay dinelete din ni Kylie.

Noong araw ding iyon, ibinahagi niya ang isang family photo kung saan makikita sina Aljur at kanilang panganay na si Alas Joaquin na naka-dinosaur costume. "This" ang simpleng caption ni Kylie sa larawan, kalakip ng isang praying hands emoji.

Tingnan ang relationship timeline nina Kylie at Aljur dito: