GMA Logo gems awards
What's Hot

Dingdong Dantes, Willie Revillame, at iba pang Kapuso stars, malaki ang pasasalamat sa GEMS Awards

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 2, 2021 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

gems awards


Taos-puso ang pasasalamat ng mga Kapuso sa parangal na natanggap sa katatapos lamang na 5th GEMS Hiyas ng Sining Awards.

Malaki ang pasasalamat ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pagkilalang binigay ng Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) sa katatapos lang na 5th GEMS Hiyas ng Sining Awards noong March 1.

Para sa kanyang karakter sa Descendants of the Sun (Philippine adaptation) bilang si Capt. Lucas Manalo, o Big Boss, hinirang si Dingdong na may Best Performance by an Actor (TV Series).

Sa pagtanggap ng kanyang award, aminado si Dingdong na mas lalo siyang na-i-inspire dahil sa mga gantimpalang natatanggap niya.

"To GEMS, to the Guild of Educators, Mentors, and Students, maraming marami salamat po sa inyong recognition at sa parangal na ito," mensahe ni Dingdong.

"Gusto ko lang sabihin na sobrang saya ko po dito sa binigay niyo sa akin.

"Aaminin ko na nakakagana po talaga at nakaka-inspire na magkaroon ng mga ganito dahil siyempre sa panahon ngayon, maraming uncertainties.

"But because of that, mas gaganahan ako na gawin pang lalong maigi ang aking trabaho of telling stories."

Kinilala naman si Willie Revillame bilang Best Male TV Program Host para sa kanyang show na Wowowin.

Sa pagtanggap ng parangal, ibinahagi ni Kuya Wil na hindi lang para sa kanya ang karangalan kung hindi sa lahat ng nagmamahal ng kanyang show.

Aniya, "Itong tropeyo na 'to ay tropeyo nating lahat na nagmamahal ng programa."

Bukod kina Dingdong at Willie, nakatanggap rin ng gatimpala sina Rowena Salvacion bilang Best Female Radio Broadcaster (Opinion or Public Service), Vicky Morales bilang Best Female TV Program Host para sa Wish Ko Lang, at ang daily digital newscast ng GMA News and Public Affairs na Stand for Truth bilang Best Digital Newscast.

Samantala, kinilala rin ang nag-iisang superstar at bida ng Bilangin ang Bituin sa Langit na si Ms. Nora Aunor bilang Best Performance by an Actress in a Lead Role para sa kanyang natatanging pagganap bilang si Lumen sa pelikulang Isa Pang Bahaghari.

Tinanggap naman ng haligi ng GMA News ang Public Affairs na si Mike Enriquez ang Best TV Station Award para sa GMA Network.

Saad niya, "Makakaasa po kayo na lahat kami sa GMA ay sama-samang magsisikap para magbigay sa publiko ng dekalidad na entertainment, at serbisyong totoo sa paglilingkod at pagbabalita."

"Mabuhay ang GEMS Awards at maraming salamat po sa inyong pagtitiwala."

Panoorin ang nangyaring virtual awarding program ng 5th GEMS Award:

Congratulations, mga Kapuso!