What's Hot

Aiko Melendez, Maricar de Mesa, nagkaayos na matapos ang anim na taon

By Dianara Alegre
Published March 4, 2021 12:34 PM PHT
Updated March 4, 2021 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez at Maricar de Mesa


Nagkaroon ng alitan noon sina Aiko Melendez at Maricar de Mesa at hindi nag-usap ng matagal na panahon.

Matapos ang anim na taong hindi pag-uusap, nagkaayos na ang long-time friends na sina Aiko Melendez at Maricar de Mesa.

Muli silang nagkasama sa set ng real-life drama anthology na Tadhana at doon na natuldukan ang matagal nilang tampuhan.

Kumusta naman kaya ang kanilang unang pagkikita?

Aiko Melendez at Maricar de Mesa

Source: aikomelendez (Instagram), msmaricardemesa (Instagram)

“Natural lang parang dati pa rin siya. Sabi niya lang, 'Mare,' gumanon siya agad kasi kinalabit ko siya kasi nakatalikod siya,” kuwento ni Maricar nang makapanayam ng 24 Oras.

“Ang gaan parang nagkaintindihan kami na tapos na, that's it. Parang nag-heal lahat,” dagdag pa niya.

Hindi naman na inilahad ng dalawa kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang 'di pagkakaunawaan.

“We didn't have to talk about what happened.

“Siguro ganun talaga 'pag real friendship na wala nang usapan kung ano 'yung mga pinagkasamaan n'yo ng loob basta ang importante maayos kayo and then you're there for each other,” sabi ni Aiko.

Sa social media unang ibinahagi ni Maricar ang reunion nila ng kaibigang si Aiko.

Aniya, “After years of silence, 'Tadhana' brought our friendship back. #ingodsperfecttime”

A post shared by M A R I C A R DE M E S A (@msmaricardemesa)

Nag-comment dito si Aiko at aniya, “Miss you mare. God's will and strong friendships will never ever be broken. I'm happy that we are ok and pls know this time no more goodbye ah. We will be here for each other no matter what. Love you.”

Aiko Melendez at Maricar de Mesa

Nag-post din sa Instagram si Aiko at masaya nitong ibinahagi na “fate” ang muling pagkikita nila.

Post niya, “Part of not being depressed is keeping myself busy... It was by fate 'Tadhana' that led me to work with Maricar De Mesa who is a long-time family friend.

Nagpasalamat din siya sa Kapuso network sa pagkakataong maging bahagi ng bagong episode ng programa.

“Maraming Salamat po to my Kapuso Network and 'Tadhana' for guesting me. First time to guest in this show and napasabak kami sa matinding drama. Ang ganda ng kwento pa. Mapapanuod nyo po ito sa March 6 and 13 :) This is the show hosted by Marian Rivera sana next maka work ko na sya. Thank you Lord Jesus for the blessing,” dagdag pa niya.

https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/555166/heart-dream-project-ang-series-na-i-left-my-heart-in-sorsogon-kasama-si-richard-yap/video/

Nagkomento naman dito si Maricar ng, “Family will always be family.”

Aiko Melendez at Maricar de Mesa

Panooring ang buong 24 Oras report dito: