
Naging mainit na topic sa Twitter kagabi, March 5, ang video nina Queen of All Media Kris Aquino at kanyang anak kay PBA star James Yap na si Bimby kung saan pinag-uusapan nila ang kanyang future wife.
May mahigit sa kalahating milyon views na ang Instagram video na ito ni Kris at makikita na masaya nilang pinag-uusapan ang qualities na hinahanap ng TV host-endorser sa future daughter-in-law niya.
Heto ang naging palitan nina Kris at Bimby.
Kris: “Gusto ko 'yung girl kailangan talaga I want someone na who really ano...”
Bimby: “Who loves you.”
Kris: “No-no, she doesn't have to. She has to adore you.”
Bimby: “Okay [laughs]”
Kris: “Yeah. I'm not going to live with her. Right?
Bimby: “Yeah, but we'll visit every like three times a week.”
Kris: “I don't think she's gonna agree to see me three times a week?"
Bimby: “No! I hope she will.”
Kris: “She won't.”
Bimby: “Mom, I think she will do it for your bags [laughs] Oh my God!”
Nabuhay muli ang isyu tungkol sa seksuwalidad ni Bimby Aquino, dahil ilan sa mga netizen ang pumuna sa naging kilos ng bata.
Sunud-sunod naman ang ginawang pagtatanggol ng ibang tao kay Bimby na tila binu-bully na ng iba, dahil lamang sa nakita nila sa Instagram video.
Sabi ni Icevekn sa Tweet niya, “Pag ganyan tumawa bakla na agad?? Hindi ba pwedeng femenine lang siya?? Y'all should stop,,, 2021 na homophobic pa rin kayo.”
Ipinagtanggol din ng netizen na may handle na @MEAN_IT_2U si Bimby.
“His sexual orientation is none of our business. Let the child be. Inaano ba kayo ni Bimby?! Umayos nga kayo jan!”
Pag ganyan tumawa bakla na agad?? Hindi ba pwedeng femenine lang siya?? Y'all should stop,,, 2021 na homophobic pa rin kayo? 🥴
-- jo (@lcvekn) March 5, 2021
PAG TUMILI BAKLA, PAG-KUMEMBOT BAKLA, PAG HUMAWAK NG SUKLAY BAKLA, PAG GUSTO ANG PINK BAKLA, PAG MARAMING KAIBIGAN NA BABAE BAKLA. SAANG LIBRO MO YAN NABASA? SAANG PARTE NG MUNDO MO YAN NAKITA PARA HUSGAHAN ANG SEKWALIDAD NG ISANG TAO? SIGE NGA!
-- DuDu🍄_Hoshi🐯 (@MingyuBest_boy) March 5, 2021
His sexual orientation is none of our business. Let the child be. Inaano ba kayo ni Bimby?! Umayos nga kayo jan! pic.twitter.com/jRA9PbPWin
-- Mean It! (@MEAN_IT_2U) March 5, 2021
Geezzzz.. give the child a break. Ano man sabihin niyo, DI NIYO KAYANG PANTAYAN YAN!😊 love this kid. He's honest and affectionate! 🥰
-- Fabio Mental (@MuserskiyP) March 5, 2021
Matatandaan na ipinagtanggol din ni Kris Aquino ang anak noong 2018 nang tawagin itong bading ng isang basher sa Instagram post niya kung saan ipinakita nito ang pagkakahawig niya sa kanyang lolo na si late Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr.
Sabi ni Kris sa basher, “Let me do you a favor and not force you to see pictures of a child you choose to bully. Please get a life.”
Photo taken from Kris Aquino's Instagram account
Heto at kilalanin ang mga lalaki na may malaking parte sa buhay ng nag-iisang Queen of All Media na si Kris Aquino sa gallery below.