Article Inside Page
Showbiz News
Ngayong Linggo sa SNBO, ibabahagi ng bagong-kasal na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta ang mga mahahalaga at eksklusibong detalye ng kanilang pag-iisang dibdib sa
“I Do”, Times Two!
Ngayong Linggo sa SNBO, ibabahagi ng bagong-kasal na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta ang mga mahahalaga at eksklusibong detalye ng kanilang pag-iisang dibdib sa
“I Do”, Times Two! The Jolina Magdangal-Mark Escueta Wedding Special.
Matutunghayan ng mga manonood ang isang nakaka-inspire na love story sa pagitan ng isang aktres na kinilala at minahal ng publiko dahil sa kaniyang naiibang personalidad, at isang musikero na ang musika ay
naging bahagi na ng buhay ng isang buong henerasyon.
Iisa-isahin nilang dalawa ang kanilang pinagdaanan magmula nang mag-propose ng kasal ang original drummer ng bandang Rivermaya na si Mark sa multi-talented actress-singer-host na si Jolina limang buwan lamang ang nakalipas.
Ikukwento rin nila kung paano nila napagdesisyunan na dalawang beses ikasal na ginanap noong
November 19 at 21. Ang una ay isang church wedding na dinaluhan
lamang ng kanilang mga pamilya, at ang ikalawa naman ay isang bohemian-inspired garden wedding kasama rin ang ilang malalapit nilang kaibigan sa loob at labas ng industriya.
Ipapakita rin ang video ng parehong kasal na unang beses mapapanood nang buo sa telebisiyon. Kakapanayamin din ng GMA ang kanilang mga pamilya, kaibigan, at iba pang tao na naging bahagi ng katuparan ng espesyal na araw na ito sa buhay nina Mark at Jolina.
Handa na ring sagutin ng bagong kasal kung anu-ano ang kanilang mga plano sa kanilang personal na buhay, at maging sa kani-kanilang mga careers.
Huwag palampasin ang natatanging kwento ng pag-iibigan na ito sa
“I Do”, Times Two! The Jolina Magdangal-Mark Escueta Wedding Special ngayong Linggo, December 4, pagkatapos ng Protégé sa GMA Sunday Night Box Office (SNBO).