
Ngayong araw, March 14 ay muling napanood ng publiko si Jessica Villarubin nang i-perform ng Kapuso singer ang kanyang debut single at victory song na “Ako Naman” sa All-Out Sundays (AOS).
Kasabay ng kanyang muling public appearance ay ang paglalahad ng suporta at papuri ng netizens para sa kanya.
Si Jessica ang itinanghal na grand champion ng The Clash Season 3 ngunit nitong January, biglang hindi nagpakita ang bagong Kapuso star.
Aniya ay sa Mars Pa More daw niya ikukuwento ang kanyang pinagdaanan kung bakit siya nawala.
At sa kanyang pagbabalik-telebisyon, pansin hindi lamang ang husay niya sa pagkanta kundi pati na rin ang new look niya.
Dahil dito ay inulan siya ng papuri at suporta mula sa netizens.
Bahagi ng komento ng isa, “Laki ng pinagbago ni JV. Pero ganun pa din siya kagaling.”
Sambit naman ng isa pang netizen, “Ang ganda inside and out. Keep it up Ms. Jessica.”
Wika rin ng kanyang fandom na JV Solids, “Can we appreciate her beauty? She's shining and she deserves it. We love you, Wueen @jessy_1496.”
Samantala, mas kilalanin pa si Jessica sa gallery sa ibaba: