GMA Logo Mako Mermaids on GMA FantaSeries
What's Hot

May patikim sa summer ang fantasy adventure series na 'Mako Mermaids'

By Marah Ruiz
Published March 15, 2021 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippine FDI net inflows down 25.8% to $320M in September 2025 —BSP
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Mako Mermaids on GMA FantaSeries


Dahil hindi pa tayo pwedeng lumabas, ang fantasy adventure series na 'Mako Mermaids' na ang magdalala ng summer sa ating mga tahanan.

Sagot na ng fantasy adventure series na Mako Mermaids ang dose ng pinaka aasaam nating "vitamin sea" ngayong summer.

Sumama sa Mako Island kung saan malamig ang tubig, maputi ang buhangin at nakaka-refresh ang sikat ng araw.

Hindi ka mabo-bore sa pagbisita sa beach ng isla dahil lagi itong puno ng iba't ibang activities tulad ng surfing, beach volleyball, snorkeling at marami pang iba.

Mako Mermaids on GMA FantaSeries

Nakatira sa Mako Island sina Sirena (Amy Ruffle), Nixie (Ivy Latimer) at Lyla (Lucy Fry). Ngunit hindi sila mga pangkaraniwang teenagers kundi mga mermaids!

Sila ang tagapangalaga ng Moon Pool, na sagrado para sa kanilang pod o grupo ng mga mermaids at mermen.

Sa gabi ng Moon Festival, makakaligtaan nila ang kanilang tungkulin sa gitna ng lahat ng kasiyahan.

Matutuklasan ng binatang si Zac Blakely (Chai Romruen) ang Moon Pool. Mahuhulog siya dito at magkakaroon ng buntot at powers ng isang merman!

Dahil dito, mapipilitan ang pod na lisanin ang Mako Island. Magiging outcasts sina Sirena, Nixie at Lyla dahil sa kanilang kapabayaan.

Mapagdidisisyuhan ng tatlo na bawiin ang kapangyarihang nakuha ni Zac sa pag-asang ito ang makakakumbinsi sa pod na muli silang tanggapin. Kaya naman mag-aanyong tao sina Sirena, Nixie at Lyla para hanapin si Zac sa mundo ng mga tao.

Mababawi pa kaya nila ang powers mula kay Zac?

Makabalik pa kaya ang tatlo sa kanilang pod? Ano ang mga haharapin nila sa mundong hindi nila gaanong kilala?

Huwag palampasin ang magical underwater summer adventure ng Mako Mermaids, ngayong April sa GMA FantaSeries!