
Tila isang patama ang Instagram post ni Derek Ramsay para sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya.
Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo ay inuulan ng negatibong komento ang aktor sa kanyang social media account kaugnay ng pag-amin niya sa relasyon nila ng aktres na si Ellen Adarna.
Para sa ilan, walang masama sa kanilang relasyon dahil parehong single ang dalawang aktor sa kasalukuyan.
Pero marami ring hindi naging maganda ang pagtanggap sa balitang ito dahil hindi pa ganoon katagal nang maghiwalay si Derek at dating nobyang si Andrea Torres, na naging leading lady rin niya sa dating GMA primetime series na The Better Woman.
Sa kanyang Instagram post kanina, March 17, nag-post si Derek ng quote na nagsasabing, "I used to rush to defend myself against false accusations but now I watch to see who believes it, so I know who to cut off first."
Ang naturang post ay agad na umani ng libu-libong likes at comments na sumasang-ayon sa nasabing quote.
Kabilang sa sumang-ayon ang aktres na si Vina Morales.
Aniya, "Best [laughing emoji] wag patulan haha [kiss heart emoji]."
Sagot ni Derek, "Not making patol Best. This is how life should be [in] this toxic world. It's sad that people focus on negativity to the point that it's what makes them happy."
Naging bukas din si Derek sa ilang opinyon ng followers katulad ng mga ito:
Sa panayam nina Derek at Ellen sa 24 Oras kamakailan, inilarawan nila ang kanilang relasyon.
Sabi ng aktor, "Sobrang kumportable kaming mag-usap ng mga bagay na would definitely make us tensed in the past."
Nang tanungin kung si Ellen na ang kanyang "The One," sagot ni Derek, "The word is natural and we wanted to be as natural as [we] can be. But I'll be lying to you, to myself, and to everyone if I didn't say that she's the girl I want to spend the rest of my life with,” Derek said in closing.
Samantala, tingnan kung paano nagsimula ang pagmamahalan nina Derek at Ellen sa gallery na ito: