Article Inside Page
Showbiz News
Magkakaroon na naman ng panibagong rason ang bawat Kapuso para ma-enjoy ang masarap at malinamnam na tanghalian simula January 2.
Magkakaroon na naman ng panibagong rason ang bawat Kapuso para ma-enjoy ang masarap at malinamnam na tanghalian simula January 2 dahil ihahatid ng GMA Network ang
Kusina Master, ang pinakabagong programang magbibigay kaalaman sa pagluluto.
Ang
Kusina Master ay isang
15-minute cooking program sa harap ng
live audience at magtuturo ng mga sikreto sa pagluluto at mga paraan para sa madaling paghahanda ng bawat pagkain sa hapagkainan.
Ang host ng nasabing programa ay si
Chef Pablo “Boy” Logro at sasamahan siya ng isang Kapuso Celebrity bilang weekly
guest co-host. Sila ang magsisilbing gabay ng bawat manonood sa
step-by-step food preparation para magbahagi ng istilo sa pagluluto ng mga katakam-takam na pagkain. Maghahatid rin sila ng mga
cooking tips para mapadali at maging masarap ang iba’t-ibang lutuin.
Bawat episode, may isa ring
celebrity student na magdadagdag ng saya dahil aalamin niya ang mga sikreto kung paano inihahanda at napapasarap ang bawat pagkain para sa iba’t-ibang okasyon.
At sa pagtatapos ng bawat episode, mag-iiwan si
Chef Boy ng ”assignment” sa mga manonood ng mga dapat nilang ihanda at para sa mga susunod na cooking episodes.
Huwag palampasin ang mga katakam-takam na episodes ng
Kusina Master simula January 2, 2012, Lunes hanggang Biyernes bago ang Eat Bulaga sa GMA 7.