
Wagi ang The Atom Araullo Specials: Batch 2020 sa naganap na 16th Lasallian Scholarum Awards na ginanap ngayong Biyernes, March 26, via livestream sa De La Salle University Facebook Page.
Sa naganap na awarding ceremony, nag-uwi ng “Outstanding Video Feature Story on Youth and Education ang nasabing episode ng GMA News and Public Affairs special.
Maalala na ang The Atom Araullo Specials: Batch 2020 ay tumatalakay sa mga pagsubok ng mga estudaynte na makapag-aral sa gitna ng coronavirus (COVID-19) pandemic..
Dito napanood ng viewers ang paghihirap ng mga estudyante, kanilang mga magulang, at mga guro para matugunan ang mga pangangailangan para sa “blended learning system” na ipinatupad ng Department of Education (DepEd) noong October 2020.
Source: GMA News and Public Affairs
Ipinakita rin dito ang pagsubok na tinahak ng mga guro para dalhin at ihatid ang mga module ng kanilang mga mag-aaral na nakatira sa ilang mga liblib na lugar, at ang paghihirap ng mga magulang na turuan ang kanilang mga anak lalo na't ang ilan dito ay hindi pa marunong bumasa o sumulat.
Ang tema ng 16th Lasallian Scholarum Awards ay “Adapt-ED: Youth and Education in the Time of Pandemic,” kung saan tampok ang ilang mga inspirational stories sa print, online, at television media sa panahon ng COVID-19.
Congratulations, Kapuso!
Maari n'yong panoorin ang full episode ng The Atom Araullo Specials: Batch 2020 dito: