GMA Logo Heart Evangelista
What's on TV

Heart Evangelista, nagre-ready na para sa kanyang teleserye na 'I Left My Heart in Sorsogon'

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 27, 2021 11:20 AM PHT
Updated October 25, 2021 9:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista


Taong 2018 pa noong huling gumawa ng teleserye si Heart Evangelista kaya naman excited na siyang mag-taping para sa 'I Left My Heart in Sorsogon.'

Masayang ibinalita ni Kapuso Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista na handang handa na siya sa magiging lock-in taping ng kanyang bagong teleserye, ang I Left My Heart in Sorsogon kung saan niya makakasama si Richard Yap.

Ayon kay Heart, excited na siyang simula ang I Left My Heart in Sorsogon dahil tatlong taon na mula noong huling gumawa siya ng teleserye, ang My Korean Jagiya.

Sa panayam ni Heart sa 24 Oras, ikinuwento ng aktres na nagkakaroon pa rin siya ng anxiety dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa pero patuloy silang naghahanda para sa lock-in taping nila sa May.

"I've been preparing, I've been watching movies, slowly watching again Koreanovelas, I've been also fixing my wardrobe because my character is almost like me," saad ni Heart.

"So lahat ng dati kong gamit, nilalabas namin sa archive. We're arranging everything from accessories."

Dagdag pa ni Heart, gusto niyang ipakita ang ganda ng Sorsogon sa pamamagitan ng kanilang show.

Kasalukuyang governor ng Sorsogon ang asawa ni Heart na si Chiz Escudero.

"'Yung mga recently developed na mga lugar na Chiz worked on like 'yung mga library, it's so beautiful.

"Definitely, I feel, that's going to be one of the scenes. Hopefully pati 'yung coastal road, 'yung mga beach, Pili farms, 'yung mga ganyan."

Kahit na sa Sorsogon isu-shoot ang kanilang teleserye, hindi pwedeng umuwi sa kanilang bahay si Heart para na rin sa safety nilang lahat.

May isang special request lang si Heart sa kanilang hotel na tutuluyan: kung pwede niyang isama ang kanyang asong si Panda.

"I spoke to the owners of the hotel if they can allow Panda to be with me. I cannot live without her.

"Panda definitely one, definitely speakers because I need my music."

Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras: