
Ibinahagi ni Paul Salas ang isang pagsubok na kaniyang hinarap kung saan muntik na siyang magdesisyon na mag-quit sa showbiz.
Ito ay ikinuwento ni Paul sa miyembro ng Entertainment press sa ginanap na media interview para sa finale ng The Lost Recipe.
Photo source: @paulandre.salas
Kuwento ni Paul ito ang taping na unang sumabak siya sa mas mature na role, "Noong 16 ako, nagkaroon ako ng drama and more mature role.
"Sanay pa ako dati, kasi mahirap pong mag-switch sa from child actor to mature roles. Nagkaroon po ako ng opportunity noon tapos puro big stars pa kasama ko.
Ayon kay Paul hindi niya nagampanan ang eksena para sa taping.
"Naalala ko before, 'di ko magawa 'yung isang eksena, sobrang bigat na eksena. Hindi ko talaga magawa. Siguro umabot kami ng buong araw. Tapos hindi na lang pinalagpas, sabi sa next taping day na lang kung kailan magagawa mo ulit."
Inamin ni Paul na naapektuhan siya dahil sa pangyayari sa taping na kaniyang tinutukoy.
"Sobra akong na-down doon kasi bakit ganun? Ako nga 'yung pinili nila tapos 'di ko magagawa."
Dugtong pa ng aktor, "May point of giving up na ako sa showbiz noon, after nung eksenang 'yun pumasok ako sa kotse sabi ko, ayoko na, ayoko na. Umayaw na talaga ako."
Ayon kay Paul ito ang pagsubok kung saan naramdaman niya na nawala siya sa direksyon. Humanap rin ang Kapuso actor ng solusyon para maibalik niya ang kaniyang passion sa pag-arte.
"Mas mahirap kasi kapag nag-iisip ng ganun e. Parang 'pag masyado kang nag-o-overthink para sa sarili. Mas hindi mo magagawa.
"So na-realize ko noon bakit hindi ako maging relaxed, isipin ko kung bakit ako nagsimula sa showbiz. Isipin ko ulit kung ano ang passion ko. Passion ko 'to. So relax and gawin mo.
"Huwag kang masyadong mag-overthink kung magagawa ko ba ito o hindi. Basta gawin mo lang kung ano 'yung passion mo. gawin mo lang kung ano'ng trabaho mo; intindihin mo lang."
Ibinahagi rin ni Paul na nakatulong ang kaniyang pamilya sa mga pagbabago na kaniyang kinakaharap noon sa kaniyang career.
"Na-help ako nila dad sa ganun, ng family, mas gumaan na 'yung sarili ko. Nagawa ko na rin sa wakas tapos nakapag-adjust na rin ako hanggang ngayon. Nagi-improve pa rin hanggang ngayon."
Related content:
"Tama Ba O May Tama Na" by Paul Salas makes it to Spotify's Fresh Finds Philippines playlist
Paul Salas renders voice for third 'The Lost Recipe' OST, "Tama Ba o May Tama Na"