GMA Logo Aiko Melendez, Dani Porter, Miguel Tanfelix
What's Hot

Aiko Melendez, Miguel Tanfelix at Dani Porter, bawas social media muna ngayong Semana Santa

By Bong Godinez
Published April 1, 2021 10:04 AM PHT
Updated April 1, 2021 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez, Dani Porter, Miguel Tanfelix


Para sa tatlong stars ng 'I Can See You: #Future,' perfect opportunity ang Holy Week for self-reflection.

Diyeta muna sa social media.

Iyan ang planong gawin ng tatlong cast members ng upcoming mini-series na I Can See You: #Future ngayong Semana Santa.

Humarap sa media kamakailan ang buong cast ng serye na mapapanood na starting next week.

Para sa aktres na si Aiko Melendez, ito ang magandang panahon para pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili at maging in tune sa kanyang kapaligiran.

To do that ay plano ni Aiko na pigilan ang sarili na magbabad sa social media ng ilang araw para makapagnilay.

“Para ma-realize ko rin 'yong mga shortcomings ko sa mga taong around me and sa sarili ko mismo,” pahayag ni Aiko.

Ganun din ang planong gawin ng #Future leading man na si Miguel Tanfelix.

“This is the best time to build your relationship with God, to talk to yourself, reflect,” makabuluhang sabi ng aktor.

Nais ni Miguel na maging meaningful ang kanyang Holy Week this year sa dahilang nakaranas daw siya ng depression nung nakaraang taon na kung saan - kagaya rin ngayon - ay nagsabay ang lockdown at ang Holy Week.

“Iti-take ko 'tong opportunity to be productive talaga,” dagdag pa ni Miguel.

Welcome breather din ang Holy Week para sa binata bago muling sumabak sa trabaho.

Nakaugalian naman ng StarStruck Season 7 alumna na si Dani Porter na magsimba at mag-Visita Iglesia tuwing Semana Santa.

Unfortunately, and for the second year in a row, ay hindi magagawa ni Dani ang nakasanayang tradisyon.

“Bawas din po sa pagkain at sa social media,” sabi ni Dani na plano ring manood ng mga religious programs ngayong Semana Santa.

Samantala, very ironic na pagbabawas ng oras sa social media ang balak ng mga nabanggit na stars dahil ang #Future ay tumatalakay sa pagkahumaling ng maraming tao ngayon sa social media.

Ang karakter ni Miguel ay isang social media addict na laging on the lookout for videos o photos na maaaring maging trending o viral.

Pinaghalong drama, romance, mystery, at sci-fi ang #Future at unpredictable rin ang takbo ng kuwento nito kaya marami ang excited na mapanood ang serye.

Kasama rin sa series sila Kyline Alcantara, Mikoy Morales at Gabby Eigenmann.

Huwag palampasin ang I Can See You: #Future itong darating na Lunes, April 5, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Yaya.

Samantala, kilalanin ang cast ng I Can See You: #Future sa gallery na ito: