Showbiz News

Thai hit drama 'The Gifted,' mapapanood na sa GMA

Mga Kapuso, mapapanood na ang pinagkakaguluhang science fantasy series na certified trending sa Thailand, ang The Gifted, dito lang sa GMA!

Ang istorya nito ay hango sa 2015 short film at novel na The Gifted ni Dhammarong Sermrittirong, na sumusubaybay sa kuwento ng isang low-class student na tumaas ang ranggo at napabilang sa isang elite, secretive program kung saan natutuklasan nila ang kanilang kakaibang supernatural abilities.

Ngayong Mayo, makikilala n'yo si Jack (Koradapat Kirdpan), ang struggling, ordinary 10th-grade student sa Ritdha High School, kung saan may classification system ang mga estudyante base sa kanilang grades.

Isang araw, nalaman ni Jack na mayroon siyang pagkakataong tumaas sa class system gamit ang Placement Exam ng kanyang paaralan.

Mula sa pagiging Class VIII, ang lowest rank, na-accelerate siya sa the “Gifted Program,” ang special class sa kanilang school kung saan piling-piling estudyante lamang ang nakakapasok.

Dito, nalaman ni Jack na mayroong special powers ang kanyang mga kasama na hango sa kanilang iba't ibang personalities at behavior.

Ano naman kaya ang supernatural powers ni Jack? Sinu-sino ang makikilala n'ya sa Gifted Program?

Tunghayan ang The Gifted dito lang sa GMA Heart of Asia!