GMA Logo Mikee Quintos at Kelvin Miranda
What's Hot

EXCLUSIVE: Mikee Quintos at Kelvin Miranda, aminadong kinikilig sa isa't isa

By Cherry Sun
Published April 8, 2021 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos at Kelvin Miranda


Hindi lang acting! Totoong kinikilig sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa isa't isa kahit sa likod ng camera!

Aminadong kinikilig sa isa't isa ang on-screen partners na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, at kahit sa likod ng camera ay malalim daw ang kanilang pagsasama.

Nabuo ang tambalang #MiKel nina Mikee at Kelvin nang bumida ang dalawang Kapuso stars sa fantasy romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe. Hindi maitatanggi ang chemistry ng dalawa at patuloy pa silang nagpakilig nang ilabas ng GMA Music ang kanilang duet na “Two of a Kind.”

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kina Mikee at Kelvin, inamin nilang totoo ang nararamdaman nilang kilig.

Ani Kelvin, “Meron, meron. Kasi sa mga eksenang gagawin naming, binabasa palang namin 'yung script… Ang laking tulong din nung script kapag nag-scriptreading kami. Nai-imagine na namin kung ano 'yung magiging dating sa amin nung sasabihin niya. Sandal lang, 'Oh my God' (kinikilig).”

Dugtong naman ni Mikee, “Oo, ganyan 'yan. Pag nagto-throw kami ng lines, bigla 'yang gaganyan 'yan na 'Wait lang.' Kinikilig ako 'pag kinikilig siya kasi halatang kilig na kilig siya. 'Yun 'yung mga enjoy na moments na hindi na kami nahihirapang mag-trascend from throwing the lines to the take na mismo. Sinasakyan na namin 'yung vibe na 'yun.”

Aminado rin ang #MiKel na romantic din sila kahit sa likod ng camera.

Wika ni Kelvin, “Oo, siguro sa part na pagpapakatotoo namin sa isa't isa. Actually madalas kami magkaroon ng deep talks together, lalo pagka pahinga namin sa hotel. Masarap makipagkuwentuhan sa tao na 'to kasi marami rin siyang ipapasa sa'yo na experience eh, knowledge. Experience kasi is knowledge, the best teacher ever. Lagi kami nagpapalitan ng experiences, mga kuwento. So 'yun romantic for me kasi 'yung makausap mo 'yung tao ng seryoso at out-of-this-world na topic minsan eh romantic 'yun for me.”

Pahayag naman ni Mikee, “I think one of the most attractive things that I find sa isang lalaki is 'yung ability nila to be honest. So honesty is sexy for me. Okay hindi sexy (laughs), but it really is attractive, and Kelvin can be really, brutally honest. It's intimidating sometimes pero it's also what I like him the most. Totoo siya, diretso. Walang bola. Kaya kahit 'yung mga bola niya, mapapa-'Ay totoo sinasabi niya, naniniwala ako. 'Wag ka ganyan.'”

Matapos ang kanilang exclusive interview, naka-bonding din nina Mikee at Kelvin ang members ng Kapuso Brigade.

Kung nais n'yo rin maka-bonding ang inyong paboritong Kapuso stars, i-message lang ang Kapuso Brigade sa kanilang Facebook , Twitter, o Instagram.

Samantala, silipin ang sweetest photos nina Mikee at Kelvin sa gallery na ito: