
Over the moon pa rin si Kapuso actor Edgar Allan Guzman sa kanyang pagkapanalo bilang Best Supporting Actor sa naganap na 4th Entertainment Editor's Choice (EDDYs) Awards ng Society of the Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap noong Linggo, April 4, pra sa kanyang pagganap bilang Neb sa pelikulang Coming Home.
Kuwento ni EA sa GMANetwork.com, isang karangalan sa kanya ang marecognize ng isang award-giving body lalo na't iyon ang naging goal n'ya simula nang sumabak siya sa showbiz.
Aniya, “Sobrang nakakaoverwhelm and unexpected nung pagkapanalo ko. Ang sarap lang sa pakiramdam.
“Sabi ko nga kanina, ito 'yung mga moments na tine-treasure ko sa karera ko at sa buhay ko. Kung baga 'yung makahawak lang ng trophy like this, alam mo 'yung feeling na hawak ko 'yung pinaghirapan ko, passion ko, sa trabaho na ginagawa ko.”
Bitiw pa ng aktor, masaya na siya na mapabilang sa mga nominees kaya naman talagang unexpected na siya ang nag-uwi ng titulong Best Supporting Actor ngayong taon.
“Honestly, ginamit ko lang naman 'yung binigay ni Lord na talento para magawa lahat at makuha lahat ng achievements sa karera at buhay ko.
“Nung una talagang nagkaroon ako ng lead movie, na ako talaga yung bida, para sa akin ginawa ko lang lahat at never akong nag-expect at never ako nagkaroon ng goal na dapat magkaroon ako ng award. Kung baga, bigla na lang binigay ni Lord.
“At nung binigay na 'yun sa akin ni Lord, doon na ako nagkaroon ng goal. Every movie, every project, nagse-set ako ng goal para sa sarili ako na kahit papaano ay marecognize ng mga press people at ng mga tao 'yung trabaho na ginawa ko dito sa pelikulang ito.
“Gusto ko sana, ma-recognize or ma-nominate lang at masaya na ako doon kasi para sa akin it's an achievement na, e. Ang sarap na sa pakiramdam na ma-nominate. At nung nanalo ay mas masarap ang feeling. “
Nang tanungin ng GMANetwork.com kung ano'ng tungkol sa proyektong ito ang nagpapanalo sa kanya sa EDDYs, ang sagot ni EA ay, “Ang bigat ng character ko.”
“Si Neb kasi, mahal na mahal niya yung pamilya nya e at kahit anong pwede niya i-sacrifice gagawin nya makita lang nya na masaya pamilya n'ya na masaya,” paliwanag ng aktor.
“Siguro 'yung galit din nya sa tatay niya, na played by Sen. Jinggoy Estrada. Doon nakita nila kasi ang bigat din ng pinagdaanan ng character ni Neb. Na, after n'ya makaranas ng trahedya sa daga tapos pag-uwi n'ya, nandun 'yung kinamumuhian n'yang tatay.
“Parang all of a sudden, 'yung feeling na pagdating mo sa bahay gusto mong yakapin pamilya mo pero andon 'yung kinamumuhian mo? So anong mararamdaman mo?
“So because of the emotions of the character and napakaganda ng role at napakabigat kaya siguro kaya napansin ng EDDYs ang character ko at binigyan nila ako ng award.”
Panoorin ang kanyang winning moment dito: