GMA Logo Lolit Solis at Migo Adecer
What's Hot

Lolit Solis, may hula kung bakit iniwan ni Migo Adecer ang showbiz

By Aedrianne Acar
Published April 12, 2021 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis at Migo Adecer


Itinanghal na Ultimate Male Survivor ng season 6 ng 'StarStruck' ang kapuso hottie na si Migo Adecer.

May sapantaha ang former Startalk host at entertainment columnist na si Lolit Solis kung bakit tuluyan nang iniwan ni Migo Adecer ang mundo ng showbiz.

Noong April 9, ipinost ng StarStruck Ultimate Male Survivor sa Instagram ang desisyon nito na bumalik sa Australia.

Nagpasalamat din ito sa kanyang home network, GMA-7, sa lahat ng opportunity na ibinigay nito sa kanya.

Hindi din nakalimutan ni Migo ang kanyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya simula nang pasukan niya ang mundo ng pag-aartista.

“To the Philippines I bid you farewell, to @gmanetwork @artistcenter I say thank you for the epic opportunity to work for you guys!

"To Migonatics thank you for the love and support and for one last time, Keep Up The Hype! See you on the flip side ( get it? )!"

Migo Adecer

Sa Instagram page naman ni Lolit, naglabas ito ng saloobin kung bakit mas pinili ng Kapuso actor ang umuwi sa Australia.

Ayon sa veteran entertainment columnist, “Talagang mas ginusto na ni Migo Adecer ang umuwi sa Australia kaysa mag stay dito sa Pinas, Salve. Ang hirap nga naman na mag isa lang siya dito habang nagtatrabaho. To think na isang napaka complex na propesyon ang showbiz para sa isang baguhan, pero matagal din tiniis ni Migo na mag isa.

“Siguro nga nagkaroon na siya ng deep sense of home sickness at hinanap na rin ang companionship ng family. Imagine mo nga na kahit noon nagkaroon siya ng car accident, mag isa lang niyang hinarap ang nangyari.”

Dagdag niya, “Pagkatapos hindi mo rin naman masasabi na complete ang motivation niya without his family giving him emotional support. Iyon inspirasyon na parang meron kang cheerleader sa tabi mo, pushing you forward para magtagumpay. Iyon ang malaking nagagawa ng feeling of family sa isang struggling star, iyon magbibigay sa kanya ng lakas ng loob.

“Siyempre iba pa rin kung nasa tabi ni Migo Adecer [ang] family niya kahit pa nga mahal at alagang alaga siya ng Artist Center, miss niya pa rin iyong ipinagmamalaki siya ng mga miyembro ng pamilya Adecer.”

Hiling ni Lolit na maging matagumpay si Migo sa bagong career niyang tatahakin.

Sabi ng dating Startalk host, “Umuwi na sa Australia si Migo, iyon maiksing stay niya sa showbiz magiging masayang memory niya at matagal na magiging topic sa kuwentuhan nila ng pamilya. Goodluck kay Migo Adecer , sana maging stepping stone niya sa bagong daigdig ang naging karanasan niya sa local showbiz.

“Sana kundi siya nagtagal sa kanyang career dito, mas maging matagumpay siya sa bago niyang haharaping trabaho. Nasa piling na siya ng pamilya niya, sa kanyang kinalakhan lugar, do it better and be good. #classiclolita #takeitperminutemeganun.”

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Tingnan ang amazing fitness transformation ng Kapuso actor na si Migo Adecer sa gallery below.