GMA Logo Lolit Solis and Helen Gamboa
What's Hot

Helen Gamboa, naging abala sa pagtulong sa entertainment writers ngayong pandemic

By Aedrianne Acar
Published April 14, 2021 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis and Helen Gamboa


Lolit Solis on Helen: “Tunay na may puso para sa mga nakasama niya sa trabaho.”

Bilib ang former Startalk host at veteran columnist na si Lolit Solis sa maybahay ni Senate president Tito Sotto na si Helen Gamboa.

Ayon kay Lolit, nalaman nito na kahit may pandemic, nagbigay ng panahon si Miss Helen para tulungan ang ilang entertainment writers.

Kuwento nito sa Instagram, “Ang bait ni Helen Gamboa Sotto, Salve. Alam mo ba na iyon mga close friends niyang showbiz writers na kahit hindi niya regular na nakikita talagang hinahanap niya para matulungan nitong pandemic.”

Dagdag ni Manay Lolit na likas ang pagiging sweet ni Helen noon pa man.

Aniya, “Noon pa naman talagang sweet na si Helen Gamboa, pero mas naging mas sweet siya ng maging mrs Tito Sotto. Si Helen ang perfect example ng isang celebrity na mas pinili ang married life kaysa career dahil tinalikuran niya ang showbiz para sa pamilya nila ni Sen Tito Sotto.

“Naging regular housewife siya na kilalang kilala sa masasarap na lutuin, at talagang hands on sa pag aalaga ng mga anak niya.

“Tunay na may puso para sa mga nakasama niya sa trabaho kaya naman ugali na niya na i check ang kalagayan ng mga ito at tulungan kung sakali. Sweet gesture from a showbiz royalty, Ms Helen Gamboa Sotto. Thank you. #classiclolita #takeitperminutemeganun.”

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Ipinagdiwang nina Tito and Helen ang kanilang 51st wedding anniversary noong September 2020.

Biniyayaan din sila ng apat na anak na sina Romina Frances, Diorella Maria, Quezon City Vice Mayor Gian Carlo, and Ciara Anna o mas kilala sa tawag na Ciara Sotto.

Muling balikan ang golden wedding anniversary nina Tito Sotto at Helen Gamboa, dalawang taon na ang nakararaan sa gallery na ito.