
Nagsimula ang nakaaaliw na hulaan ng tunay na pangalan o apelyido sa isang tweet ng netizen na si Kier Ramos kung saan tinanong niya kung ano ang apelyido ng sikat na singer na si Nina.
Source: GMA Public Affairs Facebook page
Dahil likas na mga masiyahin at matataba ang utak ng mga Pinoy, kanya-kanyang sagot at banat na ang mga ito.
Dahil dyan, nadamay na rin ang iba pang local celebrities na nakilala sa iisang pangalan lang gaya nina Sitti, Dulce, Boobay at Tekla.
Pero ang pinaka kinaaliwan ng lahat ay ang pambato ng romantic comedy series na Owe My Love, ang komedyanteng si Mahal. Dahil dito ay nagsulputan na rin ang iba't ibang memes patungkol kay Mahal at sa umano'y kanyang apelyido.
Source: GMA Public Affairs Facebook page
Ang nakatutuwang entries ng netizens ay nabasa ni Mahal at hindi raw siya nagagalit sa mga gumawa ang memes niya.
“Masaya po ako. Hindi po ako nagagalit. Tuwang-tuwa ako. Tumatawa ako kapag nakikita ko.
“Mahal, walang apelyido. Yes!” pahayag ng komedyante nang makapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Ayon sa kanya, ang “Mahal” ay term of endearment daw sa kanya ng kanyang lola.
“Ako ang paborito ng lola ko. Wala pa akong kapatid noon. Iyon ang itinawag sa akin, Mahal,” aniya.
Kaya nang pumasok si Mahal sa showbiz ay ito na rin ang pangalang ginamit niya.
“Ito po ay nakatulong po sa aking career,” dagdag pa niya.
Source: mahal.tesoro (Instagram)
Bukod sa pagiging epektibong komedyante, naging laman din ng mga balita si Mahal dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng kanyang buhay pag-ibig.
Tulad na lang ng isyu ngayon sa pagitan ni Mahal at ng lalaking lagi niyang kasama sa kanyang YouTube vlogs at TikTok account.
Pero giit niya, “Magkaibigan lang po kami. Mahal ako ng mga tao.”
Pero ang tanong, ano nga ba ang totoong pangalan at apelyido ni Mahal? Ayon sa aktres, Noemi Tesorero ang tunay niyang pangalan,
Source: mahal.tesoro (Instagram)
“Itong mga screen names ay pagpapaikli doon sa napakahabang tunay na pangalan ng mga artista. Gumagamit ng screen name para doon sa usapin ng seguridad. Mahalaga ang paggamit nito bilang paraan ng recall,” paliwanag ni Philippines Studies Professor Efren Domingo.
Samantala, ayon sa datos na inilabas ng Fourbears, ang pinakamalaking database ng mga pangalan sa buong mundo, pinakamarami sa mga Pilipino ang mga may apelyidong Dela Cruz, na sinundan ng mga Garcia, at pumangatlo ang mga Reyes.
Marami rin sa mga pangalan ng Pinoy ang tunog Español at hindi na ito katakataka dahil sa mahabang panahong pananakop ng mga Kastila sa ating bansa.
Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: